Vern Larawan mula sa IG/Vern Kaye

Kabibe baby

May 12, 2024 People's Tonight 188 views

HINDI gaya ng dagat, nakakawala ng alat ang malupet na pagbabandera ng Vivamax actress na si Vern Kaye ng kanyang katakam-takam na body.

Mala-sirenang nagkapaa ang atake ng karisma ng sexy star sa ibinahagi niyang larawan sa Instagram.

“Seas the day,” mailkling caption niya sa kanyang post.

Makikita ang hot actress na astig mag-pose habang nasa batuhan malapit sa dagat. Sumisirit ang kanyang alindog sa suot na two-piece bikini.

Mahuhulog sa patibong na dala ng kanyang perpektong hubog ang kahit na sinong kelot. Mabibingwit ang kanilang mga atensyon sa kakinisan ng balat ni Vern.

Kaya nga ang kanyang male fans ay bet na sisirin ang itinatagong kabibe ng Vivamax actress.

Umagos naman ang reaksyon mula sa netizens sa pagbabanderang ito ng sex appeal ni Vern. Binaha ng fire emojis at pinusuan nila ang kanyang post.

Pamilyar ang publiko kay Vern dahil sa kanyang mga pagganap sa ilang proyekto kabilang na ang Kasalo (2024), Salitan (2024), Stag (2024), at Araro (2023).

AUTHOR PROFILE