Toyo

Kabaong ni Dingdong sa ‘Rewind,’ binili ng collector/vlogger

February 16, 2024 Vinia Vivar 96 views

Nasa kamay na ni Boss Toyo ang ginamit na kabaong ni Dingdong Dantes sa shooting ng blockbuster 2023 Metro Manila Film Festival 2023 na “Rewind.”

Nabili ng collector/vlogger ang kabaong na ginamit ni Dingdong sa halagang P250,000.

Mapapanood sa latest vlog ni Boss Toyo ang pagbebenta ng nasabing kabaong ng may-ari ng punerarya na si Pasky Ilagan.

“Ito po ‘yung ginagamit sa shooting sa Rewind. First time humiga ni Dingdong Dantes (sa kabaong),” sabi ng may-ari ng punerarya.

As it is ay mukhang mamahalin nga ang kabaong at imported daw ito’t de susi pa.

May dala ring video si Pasky bilang resibo na nagpapatunay na ito talaga ang ginamit na casket sa shooting.

Kahit medyo natakot si Boss Toyo na bumili ng kabaong bilang koleksyon ay naging interesado pa rin siya dahil kakaiba ito.

Ang asking price ng may-ari ay P1 million pero tinawaran niya ito at nagkasundo sila sa P250,000.

Nagbiro pa si Boss Toyo sa kanyang misis na kapag nawala siya sa mundo ay dito siya sa kabaong na ito ilalagay.

AUTHOR PROFILE