
K nakabonding muli ang BFF, inaanak
MASAYANG ibinahagi ng OPM singer na si K Brosas sa kanyang Instagram post ang kanilang bonding ng kanyang BFF na si Pokwang at inaanak na si Malia.
Sa IG post, Martes, Oktubre 31, sinabi ni K na, “Salamat at nakapag bonding/vacay uli kasama inaanak ko at bff! labyu both somats!”
Bukod sa pasasalamat, makikita naman sa larawan na in-upload ng singer na kasama niyang naligo ang dalawa sa dagat, suot ang kanilang paboritong swimming attire.
Nagpasalamat naman si Pokwang sa former hurado ng “Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.” ”We love nang nang bff. See you again soon,” komento ng komedyante sa nasabing post.