Julie

Julie Anne nagpaka-daring sa bagong serye

March 20, 2025 Vinia Vivar 133 views

FIRST time nagkasama sa isang TV series ang top GMA female stars na sina Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Gabbi Garcia at Ysabel Ortega at nakabuo agad sila ng isang genuine friendship habang ginagawa ito.

Magkakasama ang apat na Sparke artists sa mystery series na “Slay” na mapapanood na simula ngayong March 24.

Ayon kay Julie Anne, grabe talaga ang kanilang samahan at suportahan dito’t super-enjoy sila sa set.

“Personally, mas nakilala ko ang aking sarili simula nang magtrabaho ako with these wonderful women. So, I just wanna say, thank you so much for being genuine and true friends, you know how much I love you, guys,” sey ni Julie Anne.

Pero siyempre, bukod sa tatlong girls na kasama niya, ang talagang isa rin sa ipinagmamalaki ng aktres/singer ay ang suporta ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz hindi lang sa proyektong ito kundi sa lahat ng kanyang ginagawa.

Ayon sa Asia’s Limitless Star, sobrang dami talaga ng naitulong sa kanya ni Rayver.

“Hindi lang sa career, parang siguro sa mga life decisions as well. Tinulungan niya akong maging assertive sa lahat sa mga bagay-bagay. He also taught me that… you know, I can say ‘no’ as well.

“Saka sobrang supportive ni Ray sa lahat ng mga decisions ko in life. Whether it be sa personal life or sa career. And everything that I do, talagang like 100%, committed din siya. I feel very secure with Ray. Kaya sobrang grateful talaga ako kay Ray.

“And nakakatuwa, kasi we bring out the best in each other, kumbaga, ang dami kong natututunan kay Ray, ang dami rin niyang natututunan sa akin,” proud na sabi ni Julie Anne.

Samantala, sa trailer ay parang medyo daring ang role ni Julie Anne at aminado siyang first time niyang gawin ang ganitong karakter.

“Iba talaga ‘yung karakter ko sa akin as a person. Kasi, very strong siya, eh. And aware siya sa lahat, sa social issues, unang-una siya sa tsismis. Parang may pagka-mysterious din si Liv (her character),” paliwanag ng aktres/singer.

Samantala, ang “Slay” ay magkakaroon ng dalawang bersyon, ang isa ay umeere sa TV (GMA Prime) at ang isa naman ay sa Viu streaming platform, each with a different ending for fans to enjoy.

Bukod sa apat na girls ay kasama rin dito sina Derrick Monasterio in a special role, Royce Cabrera, Bernard Palanca, James Blanco at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE