Julia

Julia dalawang araw na-confine sa ospital

May 13, 2024 Vinia Vivar 120 views

Magaling na si Julia Barretto mula sa pagkakasakit at dalawang araw na pagkaka-confine sa hospital.

Ibinalita ng aktres sa kanyang Instagram account na na-discharge na siya from the hospital at nakauwi na ng bahay.

“Discharged and finally home. Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days,” pahayag ni Julia sa kanyang post.

Kasunod nito ay nagpaalala ang aktres na pangalagaan pa rin ang ating kalusugan.

“Thank you for the long hours of hard work. A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority. Sending good energy!!!” pagtatapos ni Julia.

Hindi na sinabi ng aktres kung ano ang naging sakit niya.

AUTHOR PROFILE