
Juice ko Lord!
PABIRONG nainis ang netizens sa aktres at content creator na si Arianne Bautista dahil sa pagbabandera nito ng kanyang kakinisan.
Sa kanyang Instagram page, sa isang resort sa Palawan nagpatakam si Arianne sa mga bago niyang larawan.
Napa-“Juice ko Lord!” nga ang mga kelot sa kaseksihan ng aktres sa suot niyang two-piece bikini habang may hawak na isang baso ng juice.
Hindi lang uhaw ni Arianne ang napatid, dahil maging ang mga barakong laging nakaabang sa wangkata niyang niyang perfect sa tag-init, nawala rin ang pagkatigang dulot ng kanyang sex appeal.
Masisipat sa post ng content creator ang kanyang toned body. Bumakat ang abs nitong oozing with hotness.
Dahil ayaw paawat ng content creator sa pagbabalandra ng kanyang alindog, hindi rin nagpatigil ang netizens sa kanyang comment section na magbigay reaksyon sa kanyang sexy photos.
Narito ang ilang komentong nakalap sa nasabing post ni Arianne: “Ay ginanon tayo”, “Sexy mo naman!”, “Body goals”, “Damn!!!!!! Look at ALL these fire contents!!”, “Ganda at sexy mo @arianne lalo uminit ang summer”, at “Nakakainis kung gaano ka kakinis.”