
Juday at Ate Vi dalawang oras nagtelebabad
NAGKITA’T nagkausap nga sina Judy Ann Santos at Vilma Santos sa katatapos na Parade of Stars ng 50th Metro Manila Film Festival noong Sabado. Gaya ng mga lumabas na litrato matapos ang parada, nag-hug sila at nag-good luck sa entry ng bawat isa.
As we all know, tinanggihan ng Star for all Seasons ang “Espantaho” entry ni Juday kaya napunta kay Lorna Tolentino. Mag-ina dapat ang papel na gagampanan nila rito, pero ’yun na nga, mas pinili ni Ate Vi na gawin ang “Uninvited” kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Sa pa-early Christmas lunch ni Juday nitong Linggo sa tinawag niyang “mga lumang tao” sa showbiz press, ikinuwento niya na matagal-tagal din silang nag-usap ni Ate Vi.
“Nag-hug lang kami tapos nag-good-luck-an kami sa isa’t isa. Si Ate Vi, nu’ng niyakap naman niya ako sabi niya, ‘good luck on Espantaho, Juday.’ Sabi ko, ‘’di bale, Ate Vi, alam ko na po. I hope magkatrabaho tayo soon.’ Sabi ko, ‘no ano, alam mo ‘yon, walang bigat. I totally understand.’ Ganu’n talaga. Kasi trabaho ito. And naiintindihan ko, kasi nandu’n din naman ako sa proseso na, wala ako sa kalidad ni Ate Vi, naiintindihan ko ‘yung latag niya when it comes to accepting projects and movies. And get na get ko talaga, gets na gets ko ‘yung fact na may ka-similarities du’n sa mga iba niyang ginawa and all, and this material just so happens na ito ‘yung hinahanap niya, ‘yung mas challenging and I agree. I agree ito (‘Uninvited’) ‘yung bali talaga from her past movies at nirerespeto ko siya sa part na ‘yon,” panimulang tsika ng Prime Superstar.
Ganu’n din daw sila katagal nag-usap nang tanggihan ni Ate Vi ang “Espantaho.”
Nag-message at tumawag sa kanya ang beteranang aktres at nagkapaliwanagan sila ng mga dalawang oras.
Pagbabahagi ni Juday, “She was very apologetic. Sabi ko nga, ‘ate, hindi n’yo po kailangan mag-explain. Hindi po talaga, naiintindihan ko naman.’ But siyempre, inilatag ko rin na ito po ‘yung story, ganyan, ganyan, ganyan. But then again, at the end of the day, ‘andu’n din naman ako sa ‘at least she considered it.’ She really wanted do it but I understand na nu’ng ipinila kasi namin ‘yung ‘Espantaho’, sa pagkakaalala’t pagkakaintindi ko, may isa pa ring nauna, eh. So may ganu’n talaga. Kumbaga, may nag-uunahan. Nasa artista na lang ‘yon kung ano ‘yung mas mapupusuan niya. And bilang co-actor and bilang co-producer (para sa Purple Bunny), my part of the job is to understand and to respect. Kasi that’s what you have to do naman talaga bilang tao at bilang kasama sa trabaho. Respetuhan tayo ng desisyon. Walang ano, no hard feelings.”
Sa isang banda, inamin ni Juday na na-miss niya ang pagsakay sa float at pakikiisa sa parada. Limang taon na nga naman nang huli niyang gawin ito para sa 2019 MMFF entry na “Mindanao” ni Direk Brillante Mendoza.
“Masaya naman. ‘Di na lang talaga siguro ako sanay sa ganu’n kahabang pangyayari. Na-enjoy ko. Nangawit ang panga ko, muntik akong ma-lock jaw. Hahaha! ’Yung kawad ng kuryente, nilaro na lang namin. Medyo mataas (kasi ’yung) float namin. In fairness, napakahusay ng PD (production designer) namin, si Miss Angel.
“Na-miss ko rin naman, pero kung mas bata ako, mas nag-enjoy siguro ako. Pero hindi, gets naman, probably because kaya ganu’n din kalawak at saka ganu’n din katindi ‘yung preparation ng Manila kasi 50th ng MMFF kaya ang lawak talaga ng inikot namin. Though na-appreciate ko ‘yung presentation ng floats, ‘yung paglagay ng cast sa Manila Post Office (video mapping), ang ganda talaga nu’ng stage. ’Yung inano naman, trinabaho naman nang todo-todo. Hindi lang ako prepared, ‘yung energy ko, nakakapit na ako sa float, eh. Hahaha! Konti pang push, ’to!” mahabang tsika ng aktres sa press.
So far, positibo ang mga lumalabas na review sa premiere night ng “Espantaho” na magbubukas sa mga sinehan simula Dec. 25.
Ang ilang mga kritiko, pini-predict na shoo-in si Juday for MMFF Best Actress.
Nang tanungin siya tungkol dito, ang tanging sagot niya ay, “We’ll see. Let’s pray, let’s pray” at idinagdag na bonggang bonus na nga para sa kanila sakaling mag-uwi ng award/awards ang horror film na dinirek ng batikang si Chito Rono para sa Quantum Films, Cineko at Purple Bunny Productions.