Jolina

JOLINA SA CARLO-CHARLIE WEDDING: TOTOO ANG MANIFESTING

June 10, 2024 Vinia Vivar 143 views

Isa si Jolina Magdangal sa mga dumalo sa kasalang Carlo Aquino at Charlie Dizon last Sunday, June 9, sa Silang, Cavite.

Sa Instagram post ng singer/actress ay ipinahayag niya kung gaano siya kasaya para sa mga bagong kasal.

Ayon kay Jolens, isa siya sa mga nag-manifest para sa forever nina April (real name ni Charlie) at ng long-time friend niyang si Carlo.

“Sabi ni April sa vows nya totoo daw pala ang manifesting… gusto ko lang share na isa ako sa nagmanifest para sa forever nyo. At yung mga sinabi ni Kaloi sa vows naman nya kung paano nya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam na alam ko na puso nya ang nagsasalita,” simula ng aktres.

“Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag iisang dibdib,” aniya.

Nagbigay din ng mensahe si Jolens para sa newly-weds.

“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” mensahe niya sa aktor.

“April, mula nung malaman ko na mag sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka humble mo,” message naman ni Jolens kay Charlie.

“Congratulations and best wishes!!!

“Ps, sarap makawitness ng mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever… (love you mahal),” pagtatapos ng aktres.

AUTHOR PROFILE