Derek Ramsay at Ellen Adarna

John Lloyd tanggap na ang pagsasama nina Derek at Ellen

April 22, 2021 Aster Amoyo 490 views

NAGSASAMA na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa bahay ng aktor kasama ang almost three-year-old son ng aktres sa actor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto maging ang 17-year-old son ng actor sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na si Austin.

Ang engaged couple ay nakatakdang ikasal sa loob ng taong ito. Kung si Ellen ang masusunod ayaw niyang magsuot ng wedding gown sa araw ng kanilang kasal na malamang gawing isang garden wedding.

Nung hindi pa sila engaged ni Derek, consistent si Ellen sa pagsasabing hindi umano siya pabor sa kasal kaya never pa siyang nakasal ninuman sa mga lalaking na-link sa kanya. Pero nag-iba ang lahat nang maging sila ni Derek at agad itong nag-propose ng marriage sa kanya.

Kahit bago pa lamang ang relasyon nina Derek at Ellen ay very close na ang una sa anak ni Ellen kay John Lloyd na si Elias bagay na ikinatutuwa ng aktres.

Sa kabila ng pagiging super close ngayon ni Elias sa kanyang Tito Derek, hindi naman nagpapabaya si John Lloyd sa kanyang role bilang ama ng bata.

Although parehong may step-son sina Derek at Ellen, tiyak na gugustuhin pa rin ng couple na magkaroon ng sarili nilang anak balang araw.

Samantala, isang source ang nagbalita na nagkita na umano sina Derek at John Lloyd at nagkamayan pa umano ang dalawa.

Since sa bahay na ni Derek nakatira sina Ellen at anak na si Elias, hindi talaga maiiwasang magkita sina Derek at John Lloyd laluna kapag sinusundo ng huli ang kanyang anak (kay Ellen).

Si Ellen na rin mismo ang nagsabi na si John Lloyd ay isang present father sa kanilang anak.

Sa pagkakaalam namin, regular na sinusundo ni John Lloyd si Elias.

Mga kasamahan ni Fanny humihingi ng tulong

Fanny Serrano
Fanny Serrano

HANGGANG ngayon ay nasa pagamutan pa rin ang kilalang veteran make-up artist, fashion designer and actor na si Fanny Serrano na nagka-heart stroke sa ikatlong pagkakataon nung nakaraang March 16.

Dahil sa mahigit isang buwan na niyang pamamalagi sa hospital, nag-pile up na ang kanyang hospital and medical bills kaya nananawagan ang ilang malalapit kay Fanny ng financial help.

Isang malapit kay Fanny ang nag-forward sa amin ng message which we are printing as is:

“Greetings in the name of the Lord!. We pray that this message finds you and your loved ones well in these trying times.

“As you may know by now, our beloved Fanny Serrano suffered his third stroke last March 16, 2021. After 30 days in the ICU, we praise and thank the Lord that he has been transferred to a regular room, and preparations for his eventual discharge is underway. Once he is settled back home, the long process of his therapeutic and palliative care begins. By the good Lord’s amazing grace and your prayers, it is our hope that TF will recover, and his healing will be a powerful testimony of God’s faithfulness, love and mercy.

“We are knocking on your hearts to appeal for financial help on his behalf. As of April 16, 2021, his hospital bill, exclusive of doctors’ professional fees, stands at P795,739.22.

“Any amount you can contribute will help defray the mounting cost of hospitalization and other medical expenses. For those who are going through financial trials of their own because of the pandemic, your prayers for his healing will be highly appreciated.

“For the sake of complete transparency, the consensus reached in a meeting among those behind this fundraising effort is to follow this process:

Deposits are to be made to: ROMUALDO VENTURA – BDO Account #003998002411

A screenshot of your deposit must please be sent to +639177924845 (Duke) and +639052680247 (Maxine, Fanny’s daughter)

Your donation will be paid to the Philippine Heart Center, which will then send an official receipt of payment.

A screenshot of this OR will be forwarded to you.

“For those of you who would like to donate in kind, please let us know via text so we can send you a list of his medical requirements.

Thank you in advance for your kind generosity. May our Heavenly Father bless you and yours abundantly for helping a brother in need.”

Samantala, sa sobrang dami ng celebrities na close kay Fanny including

Megastar Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Lorna Tolentino, Amy Perez, Precy Vitug-Ejercito at marami pang iba, tiyak na hindi rin magpapabaya ang mga ito ng pagtulong kay Fanny.

James pinalitan ni Joshua bilang kapareha ni Nancy

GAANO kaya katotoo ang balitang nag back-out na umano ang singer-actor na si James Reid sa “The Soulmate Project” na pagtatambalan sana nila ng Korean-American member ng Momoland K-Pop group na si Nancy McDonie?

Dahil sa pagba-back-out umano ni James ay agad itong pinalitan ni Joshua Garcia. Katunayan, maraming netizens ang natuwa nang lumutang ang balita na si Joshua na umano ang pumalit kay James sa project nila ni Nancy.

Second time na ito ni James na nag-back out sa isang proyekto. Unang nag-back out si James sa movie remake ng action-fantasy movie na “Pedro Penduko” ng Viva Films in 2019 at kasunod na rito ang kanyang pagkalas na rin sa kanyang home studio (Viva Artists Agency). Since then, wala pang ibang TV or movie project na ginawa ang ex-PBB Big Winner, singer-actor at record producer.

Isabelle lalaki uli ang anak

Isabelle Daza and Adrien Semblat.NAKAPAGSILANG na ng kanyang ikalawang baby ang aktres na si Isabelle Daza sa kanyang French husband na si Adrien Semblat. Another baby boy ang isinilang ni Isabelle nung nakaraang April 9, 2021 sa Hong Kong na may pangalang Valentin.

It was only last April 21 nang i-post ni Isabelle sa kanyang Instagram account ang tungkol sa kanyang newly-born baby.

Ang panganay na anak ng mag-asawang Isabelle at Adrien na si Balthazar Gabriel `Balthie’ ay tatlong taong gulang na.

The couple got married nung September 10, 2016 sa San Francesco Church in Tuscany, Italy. Isinilang naman ang kanilang panganay na si Baltie nung March 31, 2018.

Sina Baltie at Valentin ay mga apo ng kauna-unahang Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz who turned 70 nung nakaraang April 5.

Ang mag-asawang Isabelle at Adrien with their kids ay naka-base ngayon sa Hong Kong since October 2019 kung saan ngayon naka-assign ang mister ni Isabelle bilang general manager ng Adidas, isang popular international sportswear brand. Matagal na-assign sa Pilipinas si Adrien kung saan sila nagkakilala ni Isabelle.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE