
John LLoyd pumirma kay Willie na wala si Maja
AFTER almost four years of absence, si John Lloyd Cruz ay nagbabalik-showbiz with a new management company handling his career, ang Crown Artist Management ng actress-entrepreneur na si Maja Salvador. Hindi malinaw kung exclusive management ang nilagdaan ni JLC sa CAM ni Maja dahil wala si Maja o kanyang kinatawan sa contract signing ng actor with actor-comedian, TV host-producer na si Willie Revillame’s production company, ang WBR Productions, Inc.
May lumulutang na balita na ang production ni Willie umano ang magpu-produce ng isang weekly sitcom na mapapanood sa GMA na nakatakdang pamahalaan ng actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz na bumalik sa pagdidirek ng daily afternoon game show ni Willie sa GMA, ang “Wowowin”.
Naging isa sa mga naging director si Bobot noon ng dating daily game show ni Willie sa ABS-CBN, ang “Wowowee” bukod kina Johnny Manahan at Bobet Vidanes na nagtapos sa ere nung 2010.
Kamakailan lamang ay naglabasan ang photos na kuha sa isang resort na pag-aari ng TV host-producer na si Willie sa Puerto Galera kung saan nakitang kasama ni Willie si John Lloyd, Direk Bobot Mortiz, ang box office director na si Cathy Garcia-Molina at ang dating head ng Star Cinema na si Malou Santos. Dahil dito ay marami ang nag-speculate na may iba’t ibang proyekto ang niluluto ng kumpanya ni Willie at kasama na rito ang isang pelikula.
Ayon kay Jojo Gabinete ng PEP, si JLC ay magiging special guest sa isang TV special ng isang kilalang online app na mapapanood sa darating na June 6 (Sunday) at 2 p.m. na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum which will be produced by Willie’s own production.
Pero ayon sa ibang source, hindi lamang umano special guesting ni JLC sa nasabing TV special ang nilagdaan ng comebacking actor kundi maging ang isang TV sitcom na pagsasamahan umano nila ng Kapuso actress na si Andrea Torres na nakatakdang pamahalaan ni Direk Bobot Mortiz. Lumulutang din sa balita na baka ang produksiyon ni Willie ang mag-produce ng balik-tambalan nina JLC at perennial screen partner nitong si Bea Alonzo na wala na rin sa Star Magic ng ABS-CBN. Si Bea ay nakatakdang gumawa ng pelikula sa GMA Films at Viva Films na pagtatambalan nila ng Kapuso actor na si Alden Richards. Shooting commence sometime in August this year. Since pareho nang freelancer ngayon sina JLC at Bea, hindi na magiging issue ang paggawa nila ng mga proyekto sa bakuran ng Kapuso network. Since kasama sina Malou Santos at Direk Cathy Garcia-Molina sa meeting nila sa pag-aaring resort ni Willie sa Puerto Galera, hind inga malayong matuloy ang balik-tambalan nina JLC at Bea na si Malou na rin mismo ang in charge sa film production.
William kailangan ng trabaho
LABING-isang taon nang hiwalay ang dating matinee idol of the 80’s, ang actor na si William Martinez sa kanyang dating misis, ang actress na si Yayo Aguila kung kanino siya may apat na grown-up children na sina Patrizha, Danielle, Dana at Adam.
Sina William at Yayo ay naging malapit sa isa’t isa nang gawin nila ang youth-oriented flick na “Bagets” in 1984. Ito’y produced ng Viva Films at pinamahalaan ng premyadong director na si Maryo J. de los Reyes at tinampukan din nina Aga Muhlach, Herbert Bautista, JC Bonnin, Raymond Lauchengco at kung saan din kasama sina Eula Valdez at Jobelle Salvador. William was 20 years old at 16 lamang si Yayo. The following year in 1985 ay nagpakasal ang dalawa. Tumagal ang kanilang pagsasama ng 25 taon hanggang sa sila’y magkahiwalay in 2010.
Ayon kay William, si Yayo umano ang nang-iwan sa kanya kasama ang kanilang apat na anak kaya magmula noon ay namuhay siyang mag-isa at nangungupahan sa isang bahay sa same village na kanilang tinirahan noon nung buo pa ang kanyang pamilya. Nabenta na rin umano ang kanilang conjugal house at sa ibang lugar naninirahan ngayon ang ex-wife actress ni William at ang kanilang mga anak.
Kumusta na kayo ngayon ni Yayo, tanong namin kay William?
“Magkaibigan na lamang kami dahil na rin sa mga anak namin,” aniya.
Kahit matagal nang hiwalay si William ay never na itong nagkaroon ng bagong girlfriend at wala rin umano siyang intention na mag-asawang muli tulad ng kanyang amang si Bert Martinez at older brother, ang actor na si Albert Martinez na kahit matagal nang biyudo ay ayaw na ring mag-asawang muli.
Hindi ba naman nai-insecure si William sa kanyang kapatid na si Albert na hindi nawawalan ng proyekto?
“On the contrary, I’m so proud of him,” deklara ng actor.
“Hindi ako marunong mainggit sa tagumpay ng iba laluna sa mga taong malalapit sa akin,” pahayag ni William.
Inamin din ni William na nagkaroon umano sila ng tampuhan ng kanyang namayapang manager na si Douglas Quijano gayundin ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na gusto niya sanang maayos lalupa’t wala naman daw itong kasalanan.
“Nadamay lamang si Mother Lily sa tampo ko noon kay Douglas,” pag-amin ni William.
Given the chance ay gusto ni William na mag-reach out kay Mother Lily na hanggang ngayon ay may tampo pa rin umano sa kanya.
Dahil sa pandemic, hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho si William kaya nananawagan siya sa mga producer na sana’y mabigyan siya ng trabaho para sa kanyang pag-araw-araw na pangangailangan maging sa renta ng kanyang tinutuluyang bahay.
Nalulungkot si William na hanggang ngayon ay pilit pa ring ikinakabit sa kanya ang naging bisyo niya noon sa droga na matagal na umano niyang tinalikuran at iwinaksi. Katunayan, matagal na rin umano siyang hindi naninigarilyo at umiinom matapos siyang magka-stroke. Natuto siyang maging vegetarian at mamuhay nang simple ngayong mag-isa na lamang siya.
“Ang kailangan ko ngayon ay trabaho. Gusto kong ipakita sa lahat na kaya ko pang umarte,” aniya.
Bago ang lockdown nung isang taon ay may TV series siyang sinimulan with his ex-wife na si Yayo sa bakuran ng GMA pero ito’y nahinto at hindi niya alam kung ito’y itutuloy pa.
Walang isyu kay William na makatrabahong muli ang kanyang dating misis na si Yayo at gayundin ang huli.
Inamin ni William na si Yayo lamang ang kaisa-isang babaeng sobra niyang minahal at pinakasalan at wala siyang balak na mag-asawang muli kahit eleven years na silang hiwalay.
Personal greetings
BELATED birthday greetings to may late father, Bonifacio Basada Amoyo (May 26), my sister Mely Amoyo-Tapia (May 30), my mother Nanay Maling (Maria Salome Gerna Amosco-Amoyo) – May 31 and advance happy birthday to another elder sister, Mana Estring (Estrella Amoyo-Anabeza) on June 3.
Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.