
Jodi at Bea bakit pinagkukumpara?

MAGKALABAN kung ituring ngayon sina Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo dahil magkatapat ang kanilang mga teleserye.
Bida si Jodi sa ‘Lavender Fields,’ habang si Bea naman sa ‘Widows’ War.’ Kanya-kanyang ingay ang mga viewers nito sa online. Lalo na sa mga “organized” pages. Obviously, the main objective of these so-called bashers is to create noise for the programs they work for. You can easily spot these “organized” bashers through their biased commentaries. Whether these are organized or organic, they serve well the stars and programs they talk about. As the saying goes, good or bad publicity is still a publicity.
Isa sa mga nag-viral ay ang shot ni Jodi na kumakain ng fish ball. Syempre pa, may iba’t-ibang interpretasyon ang mga netizen hinggil dito. But one thing is clear, mas pinag-uusapan ngayon si Jodi. Brutally speaking, Jody has overshadowed Bea in terms of acting performance and popularity. Dati kasi si Bea ang peg pagdating sa fashion. Ngayon daw yung hairstyle at fashion ni Jody na ang peg, ayon ito sa narinig ko sa isang salon.
Jody has international acting citations to boot, having nominated as Best Actress in the 44th International Emmy Awards and won Best Actress in the 2022 Asian Academy Creative Awards. Ito pa lang talo na si Bea. Samantala, marami rin ang nagsasabi na nawala yung premium ni Bea bilang artista mula nang maging Kapuso. Niyakap niya ang pagiging Kapuso pero mukhang hindi siya niyakap nang buo ng mga Kapuso.
Sa nakikita namin kay Jodi, mukha naman siyang masaya sa kanyang career at personal na buhay. Masaya din ba kaya si Bea sa takbo ng kanyang career at lovelife? Just asking…
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya ang sino man o concerned parties para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]