
Jobs fair sa QC simula sa Biyernes
MAGSISIMULA ngayong Biyernes sa Quezon City ang jobs fair para sa mga naghahanap ng trabaho abroad.
Matatagpuan sa sunken garden sa loob ng Quezon City hall compound ang job fair.
Kailangan lamang magdala ng maraming resume ang lahat ng naghahanap ng trabaho.
Ipatutupad sa pangunguna ng Migrant Resource Center ng City Public Employment Service Office katuwang ang Department of Migrant Workers at iba pang ahensya ng pamahalaan ang overseas jobs fair.
Ilan sa mga trabahong maaaring aplayan dito ang auto-body repair technician, barista, caregiver, electrician, engineer, factory worker, machine operator, nurse at welder.
Kasama sa mga bansang may job opportunities ang Australia, Canada, Germany, Guam, Japan, KSA, New Zealand, Oman, Poland, Qatar, Taiwan, UK at USA.
Umaasa si QC Mayor Joy Belmonte na sa pamamagitan ng naturang job fair, makakatulong siya sa mga nais magtrabaho abroad.