Joaquin

Joaquin proud na nag-post ng photos ng kanyang baby

May 12, 2023 Aster Amoyo 251 views

PROUD na nag-post si Joaquin Domagoso ng latest photos ng anak niyang si Scott sa social media.

First time daw na nag-post si Joaquin ng maraming photos ni Baby Scott at proud na proud siyang gawin ito para makilala na ng marami ang anak nila ng girlfriend na si Raffa Castro.

Caption ni Joaquin: “Baby ko si kulot, inaalis n’ya’ng aking lungkot — Dada loves you.”

Pinusuan ng maraming netizens at nakatanggap ng maraming positive comments ang photos ni Baby Scott. Bakit nga naman daw itatago ang anak nila na sobrang cute?

July 2022 noong kumalat ang balitang nagkaroon na ng apo si former Manila Mayor Isko Moreno at actor-turned-newscaster na si Diego Castro. Nagkaroon na nga ng photo sa Instagram ang dalawang lolo kasama si Baby Scott.

Masaya naman daw ang dalawang lolo sa pagtanggap ng marami sa kanilang apo. Nakagaan daw sa kanilang dalawa ang paglabas na ng photo ni Baby Scott at maganda ang pagsasama ng mga magulang nito.

Sofia at Allen hindi akalain na makakasama si Bossing Vic

MAITUTURING na isa sa pinakasikat na young loveteam ngayon sa Kapuso network ang Sparkle loveteam na AlFia nila Allen Ansay at Sofia Pablo.

Naging patok ang loveteam nila sa mga teleserye na ‘Prima Donnas: Book 2’, ‘Raya Sirena’ at ‘Luv Is: Caught In His Arms’. May natapos na rin silang digital series para sa GMA Public Affairs na ‘In My Dreams’.

Ngayon ay kasama ang AlFia loveteam sa upcoming sitcom na ‘Open 24/7’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Jose Manalo, at Maja Salvador.

Natuwa sina Sofia at Allen dahil unang sitcom nila ito at kasama pa nila si Bossing Vic.

“Sinabihan kami ni Sofie na may Zoom kami dahil may bago raw kaming sitcom. Tapos hindi pa namin alam nung una na kasama namin sila Bossing. Tapos nung nalaman namin, sabi namin, ‘yung mga pinapangarap lang namin dati na maka-work, napapanood lang namin sa TV ay makakasama na namin ngayon,” kuwento ni Allen.

Si Sofia naman ay na-starstruck sa mga artistang nakasama sa Zoom storycon nila ng ‘Open 24/7’.

“Akala po kasi namin, nung natanggap namin ‘yung text, kasi biglaan lang talaga. So, hindi pa po namin alam, kung sino ‘yung cast, ‘tapos nagulat po kami. Pagbukas ng Zoom, andun si Bossing Vic Sotto, si Sir. Jose Manalo, si Miss Maja Salvador.”

Di napigilan ni Sofia na maiyak sa mediacon at sinabing hindi siya makapaniwala na part siya ng ‘Open 24/7’: “Masarap sa feeling. Kasi looking at them here po right now sa harap po. Nakaka-proud po sa amin kasi before we really dream lang po na magkaroon ng mga project.

Pero, we never imagine na makakawork namin sila. I just remember watching them before. I’m so happy, kasi ngayong kumakain kami sabay-sabay sa set. And then, umaarte kami harap-harapan ng comedy.”

Maxine nagi-enjoy sa pagiging kontrabida

MaxinePINAGBUBUTIHAN ni Maxine Medina ang pagiging isang kontrabida. Nasubukan na kasing maging kontrabida ng former Miss Universe Philippines 2016 kay Sanya Lopez sa teleserye na ‘First Yaya’. Ngayon ay si Herlene “Hipon Girl” Budol ang makakatikim ng kanyang pagtataray.

“Parang enjoy na rin ako sa pagiging kontrabida. After First Yaya, na-miss ko rin ‘yung magtaray-tarayan. Kaya noong ibigay sa akin ang kontrabida role sa ‘Magandang Dilag’ with Herlene, natuwa ako kasi mailalabas ko ulit ‘yung mga natutunan ko sa unang kontrabida role ko,” sey ni Maxine.

Makakasama pa ni Maxine na aapi kay Herlene ay ang former beauty queen din na si Bianca Manalo.

“First time ko makatrabaho si Bianca. I know her because of the pageant industry and nagkakasama lang talaga kami kapag may pageant and unexpected din na gano’n siya kakalog. Sobrang nakakatawa and malayo siya sa characters na pine-play niya.”

Kelan lang din ay pumirma na si Maxine bilang artist ng Sparkle GMA Artist Center.

“It’s been an honor kasi unexpected po talaga na makukuha ako ang Sparkle. It’s a privilege to be with Sparke talaga. Feeling ko sobrang alagang-alaga po ako,” sey ni Maxine.

AUTHOR PROFILE