JM

JM sa bashers: Masakit kayo magsalita

October 21, 2023 People's Tonight 315 views

AMINADONG nasaktan ang aktor na si JM de Guzman sa komento ng netizens tungkol sa kanyang physique.

Tinawag kasi siya ng kanyang mga bashers na mataba, dahilan kung bakit hindi nila ito agad nakilala. “Bakit tumaba naman siya?” komento ng isa. “Si JM ba yan? parang may stiff neck,” hirit pa ng isa.

https://www.instagram.com/p/CynzOq3B_Gs/?utm_source=ig_web_copy_link

“Masakit kayo magsalita,” yan na ang naging caption ng aktor sa kanyang Instagram post Oktubre 20, kalakip ang screenshot ng mga hate comments na natanggap niya. May ilang netizens naman ang pabirong humirit na kaya tumaba ang aktor dahil inaalagaan nang maayos ng social media influencer na si Donnalyn.

Matatandaang umamin ang aktor sa totoo niyang nararamdaman para kay Donnalyn at inamin din nito na ngayon ay nililigawan niya ang socmed personality.

AUTHOR PROFILE