Jinggoy

Jinggoy nagpasalamat sa patuloy na tiwala ng supporters

February 16, 2022 People's Tonight 260 views

MALAKING pasasalamat ang ipinarating ni UniTeam senatorial bet Jinggoy Estrada sa pagbuhos ng suporta sa pinakahuling Pulse Asia voter preference survey.

Umakyat sa ika-siyam na puwesto si Estrada matapos ipahayag ng 40.4 porsyento ng survey respondents na muli nilang iboboto ang dating senador sa darating na Mayo. Noong Disyembre lamang, nasa ika-labindalawang puwesto si Estrada.

Batay sa datos, si Estrada ang may pinakamalaking pang-angat sa talaan ng mga tumatakbong senador sa bansa, bagay na ikinatuwa ng dating mambabatas. Naungusan niya sa survey sina Sen. Joel Villanuev, Sen. Risa Hontiveros at kapwa artistang si Robin Padilla.

“Taus-pusong pasasalamat ang nais kong iparating sa inyong walang sawang suporta. Gagawin ko ang lahat upang mapanitili ang inyong pagtitiwala,” ani Estrada.

Dating chairman ng Senate labor committee sa loob ng 12 taon, nangako si Estrada na lalo niyang pagbubutihin ang pagbalangkas ng mga batas para sa kapakanan ng mga manggagawa sakaling makabalik sa Senado.

“Tuloy po ang ating laban para sa manggagawang Pilipino. Makakaasa kayong tutumbasan ko ng tunay na serbisyo ang inyong pagmamahal at pagtitiwala,” diin niya.

Isa si Estrada sa apat na orihinal na lumagda sa UniTeam Coalition Agreement kung saan nagsanib-pwersa ang Partido Federal ng Pilipinas ni presidential candidate Bongbong Marcos, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago at Pwersa ng Masang Pilipino.

Batay sa Pulso ng Bayan survey ng Pulse Asia na ginanap noong Enero 19-24, ang mga sumusunod ang 13 nangungunang kandidato pagka-senador: Tulfo, Idol Raffy – 66.1 (#1); Cayetano, Alan Peter (Ind) 58.2 (#2-4); Legarda, Loren (NPC) 58.0 (#2-4); Escudero, Chiz (NPC) 55.7 (#2-5); Villar, Mark (NP) 52.9 (#4-6); Zubiri, Migz (Ind) 50.3 (#5-6); Gatchalian, Win (NPC) 45.9 (#7-8); Binay, Jojo (UNA) 44.5 (#7-8); Estrada, Jinggoy 40.4 (#9-11); Vilanueva, Joel Tesdaman (Ind) 40.4 (#9-11); Hontiveros, Risa (Akbayan 37.1 (#9-13); Padilla, Robin (PDPLaban) 35.9 (#11-13); at Ejercito, JV Estrada (NPC) 33.9 (#11-13).

AUTHOR PROFILE