Jhong

JHONG ISINAMA NI VICE SA BAGONG PROYEKTO

April 20, 2024 Vinia Vivar 45 views

Masayang ibinalita ni Vice Ganda sa madlang people ang bago niyang pelikulang gagawin this year.

Sa It’s Showtime last Friday, inanunsyo ng Unkabogable Superstar ang surpresa niya sa kanyang fans at ito ay ang pelikulang “And The Breadwinner Is…” na ididirehe ni Jun Robles Lana.

“Magkakaroon ako ng pelikula na kasama si Direk Jun Luna, ididirek ako ni Jun Lana at sila ang magsusulat ng pelikula ko. Napakasuwerte ko,” ang pahayag ni Vice.

“Kaya madlang people, this is it! New movie alert! Your mother will be mothering again sa mga sinehan. Magbabalik pelikula po tayo para magbigay ng unkabogability sa buong society,” anunsyo pa niya.

Direk Jun also appeared in the show para samahan si Vice sa pagbabalita ng upcoming project.

“Palagay ko maraming mga manonood ang makaka-relate dito. At lahat ng inaasahan niyo sa isang pelikula ni Vice, ‘yung saya at ‘yung riot na comedy, hindi lang namin basta ibibigay kung hindi hihigitan pa namin,” sabi ni Direk Jun.

Inanunsyo rin ni Vice na kasama rin sa pelikula ang kanyang co-host na si Jhong Hilario.

“Ang tagal ko nang walang pelikula at ‘yung teleserye parang Probinsyano pa ang huli, so na-miss ko ang acting at thank you dahil isinama mo ako. Sobrang excited, sobrang excited. So thank you,” sey ni Jhong

Hindi pa masabi ni Vice ang playdate ng movie pero aniya, ipalalabas ito ngayong taon.

Matatandaan na huling napanood si Vice sa Metro Manila Film Festival 2022 entry na Partners in Crime.

AUTHOR PROFILE