
JENNYLYN FEELING ‘STRONGER’ AT ‘HAPPIER’
Pagkatapos maging single mom for so long, finally ay na-achieve na ni Jennylyn Mercado ang dream niya na magkaroon ng buong pamilya.
Kaya masaya ang Kapuso Ultimate Star sa kanyang family life ngayon kasama ang mister na si Dennis Trillo, their daughter Dylan, her eldest son, Jazz and Dennis’ son Calix.
Sa panayam ng aktres sa isang glossy magazine bilang cover girl ngayong Mayo, inilarawan niya ang sarili na ‘stronger and happier.’
“Kasi buo na, nakabuo na ako ng family. Finally, buo na kami. May mommy, may daddy… Unlike noon bilang single mom, medyo mahirap talaga and may struggle,” she said.
As a wife, mom and a career woman, nababalanse ni Jen ang kanyang oras.
“Kailangan tinatrabaho pa rin lahat — ‘yung kailangan naglalambingan pa rin kayo (ng husband mo), ‘yung nagde-date pa rin kayo, hindi mo pa rin siya nakakalimutan. At the same time, ‘yung nakatutok ka pa rin sa daughter mo, tapos kaya mo pa rin isingit ‘yung career mo, or kung kaya mo mag-full-time habang inaalagaan ‘yung family mo. Hindi naman impossible, eh. Marami naman talagang nakakagawa nu’ng sabay-sabay, ‘di ba?’” aniya.
Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa long-time manager na si Becky Aguila and her management team na siyang tumutulong para mabalanse niya ang trabaho at family life.
“Maswerte ako na nand’yan ‘yung manager ko. Si Jan, si Tita Becky, si Kat, naiintindihan ‘yung buhay ko. Sila talaga ‘yung support system ko, bilang wala na akong family, eh. So, si Tita Becky talaga ‘yung second mom ko. I really appreciate na nandoon sila to support me kahit na ano pang maging decision ko sa buhay ko,” pahayag ng aktres.