Jennylyn

Jennylyn balik-trabaho na

August 23, 2023 Aster Amoyo 259 views

Jennylyn1IT was 2021 nang magsimula ang taping ng romance drama TV series na “Love, Die, Repeat” na unang tambalan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim sa bakuran ng GMA pero ito’y pansamantalang natigil dahil sa pagbubuntis at panganganak ni Jennylyn sa first baby nila ng kanyang husband na si Dennis Trillo na isa ring Kapuso actor. Ito’y pinamamahalaan ng writer-director na si Irene Villamor.

Bago pa man natigil ang taping ng nasabing serye, pinalitan din ang isa sa original cast na si Kim Domingo na nagka-Covid noon. Pumalit sa kanya ang singer-actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Jennylyn gave birth to her and husband Dennis’ baby girl na si Dylan Jade nung April 2022. The couple tied the knot in a civil ceremony nung November 2021 pagkatapos ng kanilang mahigit pitong taong relasyon.

Ngayong mahigit isang taon na si Baby Dylan, balik-trabaho na si Jennylyn sa taping ng natigil na teleserye with Xian na tinatampukan din nina Valeen Montenegro, Ina Feleo, Nonie Buencamino, Malou de Guzman, Samantha Lopez, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo at Victor Anastacio, among others.

Andrea, Francine changing partners

AndreaFrancineCHANGING partners. Ito ngayon ang direction ng ABS-CBN sa kanilang dating magkaka-loveteam na sina Francine Diaz at Kyle Echari at Andrea Brillantes at Seth Fedelin na nabuo sa afternoon hit TV series na “Kadedang Ginto” na nasundan ng kanilang primetime series na “Huwag Mangamba”.

Naging magkasintahan sina Andrea at Seth sa loob ng dalawang taon pero ito’y nauwi sa hiwalayan. Naging boyfriend naman ni Andrea ang young cager na si Ricci Rivero pero pagkalipas ng isang taon ay nagkahiwalay din ang dalawa over a third party sa part ni Ricci. Si Francine naman ay ipinareha ng ABS-CBN kay Seth sa magtatapos ngayong Biyernes na hit primetime series na “Dirty Linen” at may bago silang mini series, ang “Fractured” na co-production ng Dreamscape Entertainment at KreativeDen Entertainment. Sa nasabing serye ay kasama nila ang ilangKapamilya teen tandems.

Habang sina Andrea at Kyle naman ay magkatambal naman sa bagong TV series na “Senior High” na mapapanood na ngayong August 28.

Kung wini-wish ng FranSeth fans namagkatuluyan ang dalawa sa totoong buhay, mauwi rin kaya sa relasyon ang bagong tambalan nina Andrea at Kyle?

Angeline at ka-live in, Isang taon nang engaged

MAG-IISANG taon na next month (September) matapos i-announce ng singer-actress, vlogger and entrepreneur na si Angeline Quinto ang kanilang engagement ng kanyang non-showbiz fiancé na si Nonrev Daquina. Ang kanilang baby na si Sylvio turned 1 year old nung April 27.

Pero hanggang ngayon ay wala pang ibinabahagi ang engaged couple kung kelan magaganap ang kanilang kasal. For sure, gusto ng couple na maging bahagi ng kanilang wedding si Baby Sylvio.

Jolo naiyak sa gender reveal ng anak nila ni Alita

JoloJolo1Jolo2Jolo3BABY girl ang magiging unang baby ng mag-asawang Jolo Revilla at Angelica Alita-Bautista who’ve been married for nearly four years now. Nagkaroon sila ng gender-reveal over the weekend na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

“It’s a girl! Our hearts are bursting with joy as we announce that our little bundle of pink is on her way to fill our lives with love, laughter, and endless adventures. We can’t wait to meet our precious daughter and watch her grow. Get ready for all things sugar, spice and everything nice!,” pagbabahagi ng actor at kinatawan ng 1st district ng Cavite na si Jolo sa kanyang IG account.

Bago ang gender reveal, naghulaan na ang parents ni Jolo na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado sa magiging gender ng kanilang bagong apo – boy ang hula ng senador habang girl naman kay Lani.

Naging teary-eyed si Jolo during the gender reveal laluna’t girl ang kanilang magiging unang supling ni Angel.

Vice Ganda umaasang magbabago na si Awra

ViceKUNG tutuusin, may dahilan ang comedy superstar-host na si Vice Ganda na i-drop ang kanyang 19-year-old talent na si Awra Briguela (who is McNeal Neri Briguela in real life) dahil sa kinasangkutan nitong gulo last June in Makati kung saan ito naaresto at nakulong ng ilang araw. Pero sa halip ay mas lalo itong tututukan ni Vice dahil nangangailangan umano ito ng guidance.

Hindi ang kita bilang manager ang concern ni Vice (dahil hindi niya ito kailangan) kundi ang siya’y makatulong in any way he can sa ibang tao.

Bilang anak-anakan ni Vice, pinangangaralan niya si Awra at umaasa siya na hindi na ito muling uulit sa kanyang ginawa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE