jenny

Jennylyn at Dennis babae ang gustong maging anak

October 30, 2021 Aster Amoyo 438 views

SA wakas, natuldukan na ang tanong ng marami kung kelan magpu-propose ang Kapuso singer-actor na si Dennis Trillo (40) sa kanyang longtime girlfriend, ang singer-actress na si Jennylyn Mercado (34) na mahigit pitong taon na ang relasyon.

It was last Friday, October 29 nang ibahagi ng magkasintahan na engaged na sila last October 8 na nangyari mismo sa loob ng bahay ng singer-actress. Bukod sa engagement, ibinalita rin ng engaged couple na nine weeks pregnant ngayon si Jennylyn.

It was in 2010 nang maging magkasintahan ang dalawa pero ang relasyon nila ay hindi man lamang ito umabot ng isang taon at nagkahiwalay sila. Pero nung January 2, 2014 ay muli silang nagkabalikan. Umabot din ng mahigit pitong taon ang kanilang relasyon after their reconciliation bago nag-propose si Dennis kay Jennylyn. Ang dalawa ay parehong may tig-isang anak na lalake sa kanilang respective ex-partner, ang actor na si Patrick Garcia (kay Jennylyn) at ang dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar (kay Dennis) na sina Alex Jazz (13) at Calix Andreas (14) na close na sa isa’t isa.

Sina Patrick at Carlene ay pareho na ring may ibang sariling pamilya at mga anak. Nag-asawa na rin ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano (kay Jessy Mendiola) na naging boyfriend niya matapos nilang unang maghiwalay ni Dennis.

Bago pa man ang engagement nina Jennylyn at Dennis ay may naitayo na ring negosyo ang dalawa maging ang sarili nilang bahay (in Rizal) at common ang kanilang passion sa singing at acting bukod pa sa pareho silang athletic.

Kung ang dalawa ang masusunod, gusto sana nila na maging babae ang ipinagbubuntis ngayon ng Kapuso actress. Pero kung anuman ang ipagkakaloob sa kanila ng Diyos ay buong puso umano nilang tatanggapin.

Paghahandaan naman ng dalawa ang kanilang kasal either bago or after isilang ang kanilang first baby sometime in April or May next year.

Sina Jennylyn at Dennis ay three days apart lamang ang kaarawan. Si Dennis ay May 12 at si Jennylyn naman ay May 15.

derekDerek at Ellen ayaw pa ring sabihin ang detalye ng kasal pero may invite na

SIGURADO na ang wedding ng isa pang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong November somewhere in the North.

Although naka-out na ang invitations sa bumubuo ng wedding entourage at invited guests, may pakiusap ang ikakasal na huwag ipaalam ang petsa at lugar ng kasal. Kasama sa wedding entourage ang three-year-old son ni Ellen sa actor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto Adarna Cruz as ring bearer.

Isa umano sa mga tatayong principal sponsors ay ang businessman at mayor Narvacan na si Luis `Chavit’ Singson kaya ang hula ng marami ay baka sa Vigan, Ilocos Sur ganapin ang kasal ng dalawa.

It was in February nang opisyal na maging magkasintahan sina Derek at Ellen.

Derek (44) ay unang ikinasal sa ex-wife na si Mary Christine Jolly in 2002 pero halos isang taon lamang ang itinagal ng kanilang relasyon. Pero nagkaroon sila ng isang anak, si Austin na isa na ngayong teen-ager (18).

ContinentalCinderella wagi ng unang international beauty title para sa Pilipinas ngayong taon

SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ng Pilipinas ang Miss Intercontinental crown na nakuha ng kinatawan ng Pilipinas this year from Cagayan de Oro City na si Cinderella Faye Obenita (25). Ginanap ito sa Sunrise Diamond Beach Resort ng Egypt last Friday, October 29 na sinalihan ng 72 candidates from around the world. Nauna nang nanalo rito si Karen Gallman in 2018.

Ito ang kauna-unahang international beauty pageant crown na nakuha ng Pilipinas this year.

Marami ang pinahanga ni Cinderella Faye sa kanyang Diwata-inspired national costume.

Thylane pet lover din

MAGDADALAWANG-taong gulang pa lamang sa January 1, 2022 ang first child ng mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Heussaff na si Thylane pero mukhang pet lover na rin ito tulad ng mga magulang. Close na close din kasi ito sa kanilang pet dog and cat na sina Pochola at El Gato.

Si Thylane ay first cousin ng first baby ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie at two months lamang ang kanilang pagitan.

AnneAnne hindi pa tumutupad ng pangako sa fans

SAMANTALA, sa darating na December ay magtu-two years nang naka-leave of absence si Anne sa long-running noontime show na “It’s Showtime” since her pregnancy kay Dahlia pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang actress at celebrity endorser sa programa kahit nangako ito sa kanyang mga fans na babalik umano siya sa programa.

Si Anne ay isa sa original hosts ng “It’s Showtime” na kinabibilangan din nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Amy Perez at iba pa. Tulad ni Anne, naka-leave of absence din sa programa ang isa sa mga mainstay na si Jhong Hilario.

Joshua nag-asawa na

NAG-ASAWA na ang isa sa lead actors ng 2018 TV series na “Los Bastardos” na si Joshua Colet (26) sa dating VJ ng MYX Music Channel na si Dani Mortel. Ito’y kanilang in-announce last Friday, October 29. The couple got engaged in July this year matapos ang kanilang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.

Si Joshua ay anak ng dating actor na si Noel Colet.

Birthday greetings

HAPPY 30th birthday to my Tokyo-based daughter, Aila Marie Amoyo Reyes last Saturday, October 30. Belated birthday greetings to Nino Muhlach and Charo Santos-Concio last October 27 and to King of Talk Boy Abunda gayundin kina Manny Valera. Happy birthday today, October 31 kina Christopher de Leon and Annabelle Rama.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE