
Jaya emosyonal sa pagpapaalam
NAGING madamdamin ang pamamaalan ng Philippine Queen of Soul na si Jaya sa kanyang pagiging isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN nung nakaraang Sabado, July 3. Si Jaya and her children ay nakatakdang sumunod sa kanyang husband na si Gary Gotidoc sa Amerika para doon na mamirmihan.
Hindi ikinakaila ni Jaya na naging malakiing challenge sa kanya at sa kanyang pamilya ang pandemya kaya dumating sila sa desisyon na lisanin na ang Pilipinas at muling makipagsapalaran sa Amerika.
Jaya who is Maria Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc in real life ay isa sa mga anak ng yumaong singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey. Isinama siya ng kanyang ina sa Amerika in 1985 at doon na sila namirmihan ng maraming taon.
Jaya whose screen name was given to her by her American producer after using Louise Ramsey, served as back-up singer and even front act sa kanyang ina at iba pang Filipino singers na dumarayo ng Amerika for shows and concerts.
In 1988, lumayas si Jaya sa kanilang tirahan in California at lumipad ito patungong New York with a friend at doon ay naging back-up singer siya sa group of musicians ni Stevie V. A year later, she signed up a record deal in the US and moved to Florida, USA. She was supposed to be a ghost-singer para sa isang album pero matapos marinig ang kanyang boses ay ginawan siya ng sarili niyang album, ang kanyang debut album na “Jaya”.
Unknown to many, si Jaya ang kauna-unahang Filipino recording artist (sa Amerika) na ang single na pinamagatang “If You Leave Me Now” ay pumasok sa US Billboard Hot 100 at #44.
In 1995, matapos maging front act si Jaya sa show nina Pilita Corrales, Carmen Soriano, the late Elizabeth Ramsay at ang yumaong si Bert `Tawa’ Marcelo, kinausap ng Asia’s Queen of Song si Jaya kung gusto nitong i-try ang kanyang career sa Pilipinas at pumayag naman ito gayundin ang kanyang inang si Elizabeth Ramsey. She was brought by Pilita to Boss Vic del Rosario of Viva and the rest ay history nang maituturing.
Ang self-titled debut album ni Jaya sa Viva Records ay umabot ng 9 times platinum. Ito’y nasundan pa ng kanyang pagkakapanalo sa 1996 Metropop Song Festival nang awitin niya ang Danny Tan’s composition na “Sometime You Just Know”. The following year in 1997 ay nanalo rin siyang Best Entrepretor at the Asia Song Festival held in Hong Kong at ang awiting “You Lift Me Up” nina Danny Tan at Dodjie Simon ang nanalo ng Best Song award.
Ang kanyang second album na “In The Raw” ay umabot ng quintuple platinum.
Taong 1997 nang siya’y maging bahagi ng Sunday musical variety show ng GMA, ang “SOP” until 2010 hanggang sa ito’y palitan ng titulo at gawing “Party Pilipinas” at “Sunday All Stars” kung saan pa rin siya kasama.
Over at GMA ay naging bahagi rin siya ng “Diva” TV series ni Regine Velasquez na tinampukan din nina Mark Anthony Fernandez at Glaiza de Castro. Sumubok din siya ng iba pang TV series sa bakuran ng GMA tulad ng “Dwarfina,” “Bantatay,” “Mga Basang Sisiw,” “Yagit” at “Marimar”. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula tulad ng “Pangako Ikaw Lang” in 2001 at “Enteng Kabisote & the Abangers” in 2016.
Nang magpaalam sa ere ang “Party Pilipinas” ng GMA in 2015, lumipat ng ABS-CBN si Jaya. She guested several times sa “ASAP Natin `To” several times at naging regular judge siya sa “Tawag ng Tanghalan” singing competition ng noontime show na “It’s Showtime” na pinangungunahan ni Vice Ganda. Nakapag-guest din siya sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK) in 2019 sa episode na “Salamin”.
Nalungkot man si Jaya sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung isang taon, nananalangin at umaasa siya na ito’y maibabalik balang araw.
“It was an honor and privilege na maging bahagi ng “It’s Showtime” at ABS-CBN,” pahayag ni Jaya sa kanyang farewell message sa programa nung nakaraang Sabador.
“Sana sa pagbabalik ko, tanggapin pa rin ninyo ako,” aniya.
“Mahal na mahal ka namin bilang kasamahan at kaibigan,” sagot naman ni Vice Ganda. “We will always be a family forever,” dugtong pa ng comedy superstar. Dahil dito ay hindi na napigilan ni Jaya ang mapaiyak.
Among the songs the pinasikat sa Pilipinas ni Jaya include “Dahil Tanging Ikaw,” “Wala Na Bang Pag-ibig,” “Laging Naro’n Ka,” “Kung Wala Ka,” Dahil Ba Sa Kanya,” “Ikaw Lamang” at marami pang iba.
Si Jaya and her two children na sina Sabriya (15) at Dylan (12) ay nakatakdang lumipad patungong Amerika to join her husband na si Gary and her stepson na nauna na sa Amerika nung nakaraang January 2021.
Carla di nakadalo sa debut ng kapatid
BAGO pa man ang lockdown nung March 2020 ay handang-handa na ang bonggang debut party ng youngest daughter ng veteran singer-actor na si Rey `PJ’ Abellana sa present wife nitong si Sheena Abellana na si Reysheel na gaganapin sa isang kilalang venue Quezon City but because of the lockdown ay wala silang choice kundi i-move ito to a much later date bilang pagsunod na rin sa health protocol ng IATF.
Nung nakaraang Linggo, July 4 ay itinuloy na ng mag-asawa ang much-delayed debut party ni Reysheel to a reduced number of people from its original number of invitees dahil bukod na ang venue, naka-out na rin ang mga invitations at gawa na rin ang tatlong magagandang gowns for the debutante.
Sa kabila ng reduced guests, naging masaya pa rin ang debut party ng dalaga ng mag-asawang PJ at Sheena Abellana.
Hindi man nakadalo ang nakatatanda nitong haf-sister, ang Kapuso actress na si Carla Abellana at fiancé nitong si Tom Rodriquez dahil nasa lock-down taping ang dalawa sa magkaibigan serye ng GMA, nagpadala naman ng birthday video message si Carla sa kanyang nakababatang kapatid na si Reysheel.
Kitang-kita naman sa mag-asawang PJ at Sheena ang pagiging proud parents ng kanilang anak na si Reysheel gayundin ang younger brother nitong si JR at mga paternal uncles na sina Dino at Jojo Abellana.
Sa nakikita namin kay Reysheel, mukhang susunod din ito sa yapak ng kanyang amang si PJ at nakatatandang kapatid na si Carla sa showbiz.
Samantala, ilan sa celebrities na nakita namin sa debut party ni Reysheel ay sina Alma Concepcion, Deborah Sun and her youngest daughter na si Jemalyn Salvador, Ernie Garcia, Natasha Ledesma, Pamela Ortiz, 2019 Mrs. Universe Philippines Charo Laude, Jethro Ramirez among others.
Bea biyaheng Amerika matapos lumagda sa GMA
MATAPOS lumagda ng kontrata sa Kapuso network ay lumipad muna si Bea Alonzo patungong Amerika for a much-needed vacation bago niya simula ang kanyang first movie with Alden Richards, ang local adaptation ng Korean movie na “A Moment to Remember” na nakatakdang pamahalaan ni Andoy Ranay at joint venture ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment.
Bukod sa pelikula ay may gagawin din siyang teleserye kung saan niya makakabituin ang isang top Kapuso actor. May posibilidad ding muli silang magtambal sa isang TV series at pelikula ng kanyang perennial screen partner na si John Lloyd Cruz.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.