Jayson

Jason at Vickie may dobleng selebrasyon

September 2, 2023 Aster Amoyo 374 views

GANAP nang magulang ang mag-asawang Jason Abalos at Vickie Rushton-Abalos matapos isilang ang kanilang unang supling, a baby boy na kanilang pinangalanang Knoa.  Si Baby Knoa ay isinilang nung September 1, 2023 na first wedding anniversary din ng couple.

Double celebration ang mangyayari sa mag-asawa maging sa kanilang first born na si Knoa every first day of September na siyang hudyat ng mahabang Christmas celebration in the Philippines.
Jason and Vickie have been sweethearts for over a decade bago ang kanilang engagement in June 2021.  The couple got married on September 1, 2022 in Batangas.

Si Jason ay produkto ng  talent search na Star Circle Quest, Batch 2.  Pagkatapos nito ay naging bahagi siya ng Star Circle (now Star Magic) ng ABS-CBN sa loob ng 13 taon bago siya lumipat ng GMA nung October 3, 2017.

In the 2022 national and local elections, tumakbo ang actor bilang municipal board ng kanilang bayan sa Nueva Ejija, second district and won replacing his father, Popoy Abalos for the same position.

Ang misis ni Jason, ang Filipino-British actress, model at dating beauty queen na si Vickie Rushton ay naging bahagi ng “Pinoy Big Brother: All In” in 2014 kung saan siya nagtapos as 4th runner-up. Habang siya’y nasa loob ng PBB house ay na-link siya sa dalawa pa niyang mga kasamahan sa loob na sina Daniel Matsunaga at Cheridel Alejandrino.  Kaya paglabas niya ng PBB house ay nagkahiwalay silang sandali ng kanyang nobyong si Jason only to reconcile again.  Since then ay halos inseparable na ang dalawa.

Naging supportive si Jason kay Vickie nang una itong sumali sa Muta ng Pilipinas in 2011  and she was crowned Mutya ng Pilipinas International.  In 2018, sumali siya sa Bb. Pilipinas pageant at siya ang tinanghal na 1st runner-up. Muli siyang sumali in 2019 sa Bb. Pilipinas pero pumasok lamang siya sa Top 15 thereby ending her career sa pagsali sa beauty pageants.

Aside from being a loving and supportive  wife to Jason, motherhood naman ngayon ang kanyang bagong papel na ginagampanan, isang magical role na hindi niya magsasawang gawin.

Xxxxxxxxxx

PINANGUNAHAN ng Chairman-CEO  ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at veteran actor na si Tirso Cruz III ang unang araw  ng month-long  Philippine Film Industry Month (PFIM) celebration na may slogan na “Tuloy pa rin ang tawanan” na ginanap sa Cinema 1 ng Shangri-La Plaza nung nakaraang September 1 na dinaluhan ng award-winning writer at National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at iba’t ibang ambassadors at officials mula sa iba’t ibang bansa.  Nagpadagdag ng kinang ang pagdating ng bumubuo ng cast ng “Home Along Da Riles”  na pinangunahan ng veteran actress-comedienne na si Nova Villa kasama sina Claudine Barretto, Vandolph, Smokey Manaloto,  Boy 2 Quizon, Gio Alvarez, Maybelyn de la Cruz, Dang Cruz kasama ang executive producer ng program na si Linggit Tan at ang original writer ng weekly sitcom na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy na si Jose Bartolome.
Matapos ang welcome address ni Pip (Tirso Cruz III) at pagpapakilala sa bumubuo ng cast ng “Home Along Da Riles,” ipinalabas ang  kabuuan ng newly-restored movie ng  “Home Along Da Riles: The Movie” ng Sagip Pelikula ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Leo Katigbak na isa rin sa mga dumalong guests nung gabing `yon.

Although maraming activities na mangyayari sa loob ng buwan ng September, ang closing ceremony ng month-long festivities ay gaganapin sa  Grand  Acacia Ballroom in Alabang, Muntinlupa on September 29 (Friday) kung saan gaganapin ang pamamahagi ng parangal sa mga kilalang komedyante sa kasalukuyan maging ang pagkilala sa malaking ambag sa industriya ng namayapang comedy king na si Dolphy.

MMFF muling magpapabalik Ng manonood sa sinehan

IT was last July 10, 2023 nang ianunsiyo ang first four films na pasok na sa 2023 Metro Manila Film Festival at ito ang “A Mother and Son’s Story” na tinatampukan nina Sharon Cuneta at Alden Richards na pinamahalaan ni Nuel Naval of Cineko Productions, “(K)Ampon” na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales, “Pedro Penduko” under Viva Films na tinatampukan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes at ang “Rewind” ng Star Cinema na balik tambalan sa pelikula ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Apat na pelikula na lamang ang pipiliin para makumpleto ang walong official entries ng 2023 MMFF at inaasahang makakapasok ang respective entries nina Nora Aunor at Vilma Santos, maging ang entry ni Nadine Lustre na muling pinamamahalaan ni Mikhail Red.

Comeback movie ng Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos ang balik-tambalan nila ng kanyang perennial screen partner na si Christopher de Leon sa pelikulang “When I Met You In Tokyo” na kinunan mismo sa Tokyo, Japan.  Nariyan din ang pelikulang “Pieta” na pinagbibidahan ng superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor at Alfred Vargas na pinamahalaan ni Adolfo Alix, Jr. at kung saan din tampok sina Gina Alajar, Jaclyn Jose at Ina Raymundo.  Nariyan din ang horror-suspense thriller movie na “Nokturno” at balik tambalan nina Nadine Lustre at Direk Mikhail Red (after “Deleter”) kung saan tampok din sina Bea Binene, Wilbert Ross at ang child actor na si JJ Quilantang.

Kapag nakapasok ang respective movies nina Guy, Vi at Nadine, tiyak na balik na naman ang sigla ng mga manonood dahil  mabubuhay na naman ang rivalry nina Guy at Vi gayundin ang megastar na si Sharon Cuneta.

Nung isang taon ng MMFF, naging surprise hit ang “Deleter” na Nadine Lustre na pinamahalaan din ni Mikhail Red at nakatanggap ng may pinakamaraming awards sa iba’t ibang award-giving bodies including the 2023 Metro Manila Film Festival awards night.

Samantala, excited naman ang mister ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli dahil natuloy na rin sa wakas ang kanyang pagsasapelikula ng action-fantasy movie na “Penduko” which was first offered to James Reid na tinanggihan nito at kasunod na rito ang kanyang pag-bolt-out sa pangangalaga ng Viva.

Kapag pumalo sa takilya ang “Penduko,” tiyak na panghihinayangan ito ni James who’s trying to penetrate the international market.

VG Marc dapat harapin na lang ang trabaho kaysa Kay Kris

NGAYONG tinapos na ni Kris Aquino ang maikling relasyon nila ng vice-governor ng Batangas na si Marc Leviste, dapat na sigurong tutukan na lamang n g huli ang kanyang trabaho sa kanyang nasasakupan kesa nagmumukha siyang katawa-tawa sa maraming tao dahil sa kanyang `paghahababol’ kay Kris.

Sinabihan na rin siya (Marc) ni Kris na ihinto na ang pakikipag-communicate sa kanya.

In fairness kay Marc, ipinakita nito kay Kris ang kanyang tunay na pagmamahal  at sakripisyo sa kabila ng kanyang health issues na kinakaharap at distansiya sa kanilang pagitan

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X) @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE