
Janus sa mga nagsisilipat ng network: Ipokrito!
May matapang na banat si Janus del Prado sa mga artistang lumipat ng istasyon na dati ay binabatikos ang kapwa-celebrities sa paglipat ng network.
Sa Instagram, tinawag ng aktor na ipokrito ang mga artistang hindi na niya pinanglanan pa.
“‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” ang pahayag ni Janus.
“’Kala ko ba walang lipatan ever???” saad pa ng aktor.
Hirit pa niya, “At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo.”
Bagama’t walang binabanggit na pangalan si Janus, marami ang nagpapalagay na maaaring ang It’s Showtime hosts ang pinariringgan ng aktor.
Bagama’t hindi naman masasabing totally ay lumipat talaga ang mga host ng nasabing noontime show sa GMA-7 dahil co-producer pa rin naman ang ABS-CBN sa programa, still, sabi nga ni Janus, lumipat pa rin sila ng istasyon.
Matatandaan na ipinagtanggol noon ni Janus ang kaibigang si Bea Alonzo nang batikusin ito na walang loyalty dahil sa ginawang paglipat sa ABS-CBN.
Hinihinalang ang bagong post ni Janus ay karugtong pa rin ng pagtatanggol niya kay Bea.
ALDEN AT MAINE MARESPETO
Puring-puri ni Hajji Alejandro sina Maine Mendoza at Alden Richards sa pagiging marespeto ng mga ito sa kanya.
Sa mediacon ng Awit ng Panahon: Noon at Ngayon musical concert featuring some of our OPM icons including Hajji and Gino Padilla, natanong ang mga ito kung mayroon silang hindi magandang experience sa mga bagong sikat na artista na hindi sila pinapansin at inirerespeto.
Ayon kay Hajji, thankfully ay wala naman siyang ganu’ng experience.
“In fact, kabaligtaran ang na-experience ko diyan,” he said. “Sampol lang, Eat Bulaga, for instance, nu’ng nag-guest ako na kasikatan nu’ng sina Maine Mendoza at ano (Alden).”
Patuloy niya, “Kung napapansin n’yo, bihirang-bihira akong mag-guest sa TV, eh. Part na rin, katamaran ko na rin siguro (sabay-tawa), ayoko ng traffic.
“Pero going back du’n sa story na ‘yon, kasikatan nila (Alden and Maine) nu’n, eh. I was already in the dressing room doing my business, magpapalit ako, kumatok sila, pumasok sila, eh. Nagmano pa sa ‘kin, eh. Nagpakilala sila as if hindi ko sila kilala, kilala ng buong Pilipinas ‘yan, ‘di ba?
“They’re just showing their respect, ganu’n.”
Kahit daw sa iba pang guestings niya ay ganyan din ang trato sa kanya ng ibang mga artista kaya naman sobrang na-appreciate niya ang respeto na ibinibigay sa kanya ng younger stars.
“I think, kinikilala nila kung ano ‘yung kontribusyon mo sa industriya,” sey pa ng original Kilabot ng Kolehiyala.
Para naman sa anak niyang si Rachel Alejandro na ka-join din sa show, kung hindi man siya nabati ng mga kabataang artista, ibig lang sabihin nito ay hindi siya kilala na naiintindihan naman niya since bihira rin naman siyang mapanood o makita.
Ayon naman kay Gino, wala rin siyang hindi magandang experience sa mga kabataang artista pero agree siya kay Rachel na hindi nila mai-expect na kilala sila lahat ng new generation of stars.
Samantala, aside from Hajji, Rachel and Gino ay ka-join din sa concert sina Kris Lawrence, Male Rigor of VST and Company, Carlos Parsons and Pete Gatela of Hagibis, Nitoy Mallillin of Boyfriends, Abrakadabra at ibang new gen artist.
Gaganapin ito sa April 21, 7 p.m., sa New Frontier Theater.