Jalosjos

Jalosjos: May karapatan kami sa pangalang ‘Eat Bulaga’

June 10, 2023 Aster Amoyo 805 views

IGINIIT ng TAPE Inc. na sila ang may karapatan sa pangalang “Eat Bulaga,” at ihahabla nila ang sino mang ibang gagamit ng naturang pangalan.

“As far as the company is concerned, legally, we own the trademark, we own the show, we own the name,” sabi ni Dapitan City mayor Bullet Jalosjos sa panayam ni Nelson Canlas na ipinalabas sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes.

Si Bullet ang nagsisilbing spokesperson ng Jalosjos family, at tumatayong Chief Finance Officer ng TAPE Inc, ang producer ng “Eat Bulaga.”

Sinalungat ni Bullet ang naunang pahayag ni Tito na pag-aari nila nina Vic at Joey, ang pangalang “Eat Bulaga.”

“Yun po yung sinabi sa akin kagabi ni dad [Romeo Jalosjos], contrary to everything, sinabi niya, ‘I approved everything. Binigyan nila ako ng listahan niyan. There were different names they thought of’ but my dad chose ‘Eat Bulaga’,” paliwanag ni Bullet.

Iginiit ni Bullet ang karapatan nila sa naturang pangalan ng show.

“Hindi po naman namin puwedeng bitawan din ‘yun. Hindi po namin puwedeng sabihin, out of respect, ‘sige gamitin niyo na lang.’ Hindi eh, meron po kaming rights eh,” pahayag niya.

Sinabi rin ni Bullet na nasaktan ang kanyang pamilya sa pagkalas ng TVJ sa kanilang kompanya.

“Nasaktan kami because talagang itinuloy nila, and ang pangit pa doon, when it happened, pinapalabas nila that we kicked them out,” sabi ng alkalde.

Ipinaliwanag ni Bullet na nagpasya sila na huwag nang mag-live ng Eat Bulaga noong Mayo 31, ang araw na inanunsyo ng TVJ ang pagkalas nila sa TAPE.

“We had to stop the airing nung time na alam namin na talagang lalabas sila because we wanted to negotiate with them still,” ani Bullet.

Sinabi rin ni Bullet na walang nakaltasan ng sahod sa mga host pero inamin niya na malaki ang gastos sa produksyon.

“We had to make a corporate decision, a business decision to negotiate — not even sink. Hindi namin sila tinanggal but to negotiate. Sabi namin pag-aralan naman natin ‘to, mag-ano naman tayo dito, lets communicate,” sabi ni Bullet.

Sa ng kontrobersiya, umapela si Jalosjos sa mga manonood na suportahan ang mga bagong host ng “Eat Bulaga.”

“Pagbigyan niyo naman yung mga talents namin ng chance, kasi naaawa na ako sa kanila. We have a duty to fulfill to GMA and to the people, na hindi po kami puwedeng mawala lang sa ere because iniwanan lang kami ng lahat ng host,” sabi ni Jalosjos.

Sinisikap pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng TVJ kaugnay sa mga sinabi ni Bullet.

Coaches Ng ‘The Voice Generations’ nagpahayag ng damdamin

BillySINA Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell ng SB19, at Chito Miranda ang magiging mga coach sa kauna-unahang “The Voice Generations” sa Asya.

“Sobrang exciting ito. It’s a different journey for the talents but different journey din for the coaches,” ayon kay Billy sa Chika Minute report ng GMA News “24 Oras” nitong Biyernes.

Sinabi naman ni Chito na lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar na dati na siyang nagme-mentor ng singer-songwriter pero ngayon lang niya ito gagawin para sa show.

Ang nag-iisang babae sa grupo na si Julie Anne, sinabing hindi niya maiwasan na kabahan pero excited rin sa show.

Labis naman ang pasasalamat ng P-pop boy group member ng SB19 na si Stell na napabilang siya sa mga coach ng “The Voice Generations.”

“Yung pagiging coach parang nagagawa ko lang sa amin sa group. Pero yung ngayon yung talent sa buong Pilipinas na hindi pa nadi-discover. Pero with the right support and coaching, talagang makikita natin at doon po kami excited sa mapo-produce namin dito sa The Voice,” saad ni Stell.

Sa “The Voice Generations,” ang mga coach ang pipili ang talent na nais nilang i-mentor sa mga aspirant na mula sa iba’t ibang henerasyon.

Patuloy pa ang audition para sa The Voice Generations, at dapat bumuo ng grupo ng dalawa o higit pa ang miyembro. Kailangang edad pito pataas ang agwat ng mga kasali sa grupo.

Sa mga interesadong sumali, bisitahin lang ang official website na: www.gmanetwork.com/TheVoiceGenerationsAudition

Jackie Lou naging emotional nang aminin ng anak ang pagiging lesbian

JackieKINUWENTO ni Jackie Lou Blanco kung paano humugot ng lakas ang kaniyang anak na si Rikki Mae para aminin sa kaniya na isa itong lesbian.

“I had a feeling na kasi. I think as parent you wanna think ‘Baka naman hindi,’ pero I had a feeling. So when she came to me she goes ‘Mom I have to tell you something,’ sabi ko ‘Okay.’ Tapos feeling ko, ‘Oh my, ito na talaga ito, I think this is the day.’

“And then dumating na siya, pero siyempre may kasunod na girl. Pero nakatayo siya roon ng 15 minutes na walang sinasabi.

“Sabi ko ‘Rikki Mae, do you want Mama to tell you what I think you would tell me?’ Sabi niya ‘No mama, I have to do it, let me say it.’ ‘Okay’ Sabi niya ‘Mama I’m gay.’ Sabi ko ‘I know,'” kuwento ni Jackie Lou.

Matapos nito, naging emosyonal na umano ang aktres.

“I think I cried because I didn’t have to wonder and I was so thankful that she have the courage to tell me.

“Because she was saying ‘Mama actually I was planning not to tell you na kasi feeling ko alam mo na.’ Pero iba daw pala talaga ‘pag sinabi mo, so I was very thankful that I knew it.”

Sinabi ni Jackie Lou na sobra siyang proud sa kanyang anak, at hinahangaan niya rin ang pagiging responsable nito.

AUTHOR PROFILE