
Jak, gamit na gamit sa pakulo ng BarDa
HUWAG nang ireto nang ireto si Barbie Forteza kay David Licauco upang paingayin ang pelikulang pinagtatambalan nila.
Patuloy na nagagamit ang boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto para sa publicity. Eh, ilang taon na ang JakBie kaya huwag itong sirain para lang sa interest ng iba.
Binigyan pa ng malisya ang tanong sa lie detector challenge kay David kung liligawan ba niya si Barbie kung wala itong Jak sa buhay.
As if naman, conclusive ang resulta ng lie detector na dapat bigyan importansiya kung lie o true ang sagot.
Naku, hindi na bago ang ganyang pakulo kaya mag-isip naman ng bago, ‘no!