
JAK AT DAVID, TWINNING SA ZORRO-INSPIRED OUTFIT
NAKAKATAWA naman ‘yung parehong Zorro-inspired ang mga suot nina Jak Roberto at David Licauco sa nakaraang Sparkle Spell ng GMA Artist Center.
Pinagpistahan sa social media ang suot ng dalawa. Parang iisa lang yata ang gumawa ng costume nila, huh!
Mabuti na lang, solong rumampa si Barbie Forteza sa event na kulay blue ang suot na gown gaya ng ginawa niya sa GMA Gala 2023.
Nu’ng gabing ‘yon, ang mga baguhang female star ang walang takot na rumampa ng seksing-seksi, huh!
Parang hindi na namin nakita sa event ang isang junior actor na hindi man lang nabigyan ng pansin sa isang event ng GMA kahit sa social media pages ng network.