
Jaclyn busy pa rin, Andi tahimik na
NANANATILING isa sa pinaka-busy ang award-winning actress na si Jaclyn Jose hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.
Kung ang kanyang panganay at kaisa-isang anak (sa namayapang actor na si Mark Gil) na si Andi Eigenmann ay masaya nang namumuhay ng tahimik sa Siargao with her fiancé, ang dating surfer champion na si Philmar Alipao kasama ang kanilang mga anak, si Jaclyn naman ay patuloy sa pagiging abala sa kanyang acting career where she is good at.
Si Jaclyn ang kauna-unahang Filipino actor na nagwagi ng Best Actress sa Cannes Film Festival in France nung 2016, making her also the first South East Asian actress to win the award for her movie “Ma’ Rosa” na dinirek ni Brillante Mendoza, who himself won Best Director sa nasabing prestigious international film festival for the movie “Kinatay” nung 2009.
She got her first Gawad Urian Best Actress trophy nung 1987 para sa pelikulang “Takaw Tukso” in 1987 na nasundan nung 1989 for “Itanong Mo Sa Buhay”. Nanalo naman siyang Best Supporting Actress sa Gawad Urian for “Macho Dancer” nung 1990 at “The Flor Contemplacion Story” na siya ring nakapagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress plum sa Star Awards at FAP Awards nung 1996. Nung 2006 ay muli siyang ginawaran ng Best Actress trophy ng Gawad Urian for the movie “Sarong Banggi”.
Jaclyn is Mary Jane Santa Ana Guck in real life at half-sister niya ang dating actress na si Voronica Jones.
Samantala, ipalalabas na ngayong July 10, 2023 on Viva One ang six-part series na “Deadly Love” kung saan kasama ni Jaclyn sina Louise de los Reyes, Marco Gumabao at McCoy de Leon mula sa direksyon ni Derick Cabrido. She has other upcoming movie projects tulad ng mga pelikulang “Acetylene Love” at “Poon” with two others na nakatakda niyang simulan.
Coco at Julia kailan daw ilalantad ang sinasabing anak?
TULAD ng yumaong movie and action king na si Fernando Poe, Jr., iniidolo rin ng mga kapatid nating Muslims ang “Batang Quiapo” star na si Coco Martin kaya sila ang unang recipient ng medical mission na isinagawa ng “FPJ’s Batang Quiapo” team na pinangunahan mismo ni Coco na ginawa sa Muslim community in Quiapo.
Ang Quiapo ang sentro ng tumatakbong hit action-drama series ni Coco na base rin sa classic hit movie noong ni Da King (FPJ) na ipinalabas nung 1986 kung saan katambal ni FPJ ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Ito’y produced ng Regal Films at pinamahalaan ng yumaong director na si Pablo Santiago, ama ng magkakapatid na Randy, Rowell at Randy Santiago.
Kung si FPJ ang tinaguriang movie king nung ito’y nabubuhay pa, si Coco naman ang maituturing na Television King na nanatiling unbeatable ang mga TV series na kanyang pinagbibidahan at pinamamahalaan at bilang co-producer na rin.
Ngayong inamin na ni Coco ang relasyon nila ng kanyang longtime girlfriend na si Julia Montes, wala na silang dapat pangilagan pa lalupa’t matagal na rin naman itong alam na ng publiko.
Ang tanong nang marami, kailan umano pakakasalan ni Coco si Julia dahil 11 years na rin ang kanilang relasyon?
At kailan naman daw ilalantad ng dalawa ang kanilang rumored child na matagal na ring napapabalita?
Paolo ipinakilala ang non-showbiz girlfriend sa social media
BAGO pa man ang kanyang 25th birthday on July 25 ay may bagong nobya na ang half-brother ni Marco Gumabao na si Paolo Gumabao (Paul Chen) matapos nitong ipakilala sa kanyang social media account ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Monina Lawrence at naging official ang kanilang relasyon nung nakaraang Linggo, June 25, 2023.
Si Monina ay isang Filipina-Australian at isang TikToker.
Masaya rin ngayon ang kanyang half-brother na si Marco Gumabao na nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng singer-actress na si Cristine Reyes.
Si Paolo ay anak ng actor at dating kongresista na si Dennis Roldan sa kanyang non-showbiz mother na si Sheryl Sorreta na Taiwanese businessman naman ang bagong partner na si Pao Chen, ang adoptive father ng actor.
Samantala, natapos na kaya nina Paolo at ng Czech actress na si Sara Sandeva ang kanilang movie under Borracho Films, ang “Spring in Prague”? Ito bale ang second movie project ni Paolo sa nasabing film outfit na pinamumunuan ni Atty. Ferdie Topacio pagkatapos ang “Mamasapano” na ipinalabas nung nakaraang Metro Manila Film Festival.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TiCTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.