
Jackie nakipagbardagulan sa netizens
Nakahandang magpakita ng resibo si Jackie Forster na magpapatunay sa kanyang claims na may kaugnayan sa relasyon ng anak niyang si Kobe Paras kay Kyline Alcantara.
Rumors have it kasi na break na sina Kobe at Kyline although wala pa namang direktang pagkumpirma or pagtanggi ang dalawa tungkol dito.
Sa latest Instagram post ni Jackie ay may mga naging opinyon at komento ang netizens hinggil sa rumored breakup nina Kobe at Kyline at ang iba rito ay sinagot ng dating aktres.
Isang commenter ang nagsabi na hindi na dapat post nang post si Jackie at i-consider naman nito ang nararamdaman ng mga magulang ni Kyline.
Marahil ang isa sa mga tinutukoy ng IG user ay ang cryptic post ni Jackie kamakailan tungkol sa “manipulation” na hininala ng netizens na parinig kay Kyline.
Tila hindi nakapagpigil ang nanay nina Kobe at Andre Paras at sinagot ang sinabi ng netizen.
“Sila nga nag umpisa and nag dadagdag eh bakit ako sinisisi ng mga tao? I’ve been quiet til recently. Kasi sumosobra na nga,” sey ni Jackie.
Komento naman ng isa pang netizen, “Imagine IMBIS NA MAPABUTI ANG BREAK UP. Makikisali talaga mga magulang as if hindi kayo naging manipulative sa mga Ex’s niyo. MANANG MANA SA NANAY CHEATER SYEMPRE IPAG TATANGGOL MO YAN KASI PAREHO KAYONG MGA CHEATERS.”
Dito ay muling sumagot ang dating aktres at hinamon ang netizens na para fair ay i-check din ang post ng magulang ng kabila.
Komento naman ng isang supporter ni Kyline, “Please miss Jackie wag na po kayo mag IG story na parang nagpaparinig, tahimik Po Sina kyline at family Niya. Marami na Ang nagbabalita sa labas about sa cheating issue Ng anak mong c Kobe, di na Kayang ipagtanggol Kasi may photo at videos na, meron pong ebidensiya, nagkalat na Po sa socmed. Kaya wag na po ninyong e tolerate Ang maling ginawa Ng anak niyo. Baka pati yong issue niyo before ay halungkatin Ng mga basher.”
Sinagot ito ng nanay ni Kobe at idinepensa ang anak.
“That’s not true. Please check your facts. I have proof,” ani Jackie.
Paghahamon naman ng netizen, “Kung may proof ka miss Jackie, edi ilabas mo para matapos Ang pang babash sa anak.”
Sagot na muli ng dating aktres, “In due time.”
Kaya naman say ng netizen, hihintayin niya ang araw na tutuparin ni Jackie ang paglalabas ng resibo.
ISYU NG PAGBUBUNTIS NILINAW NI KATE
Hindi na hinayaan pa ni Kapuso star Kate Valdez na lumaki ang ispekulasyong buntis siya at in-address na niya ito agad.
Sa isang TikTok video kung saan makikita ang aktres kasama ang content creator-boyfriend na si Fumiya, isang netizen ang nag-comment ng “buntis siya halata.”
Sinagot agad ito ni Kate. Aniya, “Last year pa ‘yan ah! Kaloka kayo.”
Sey pa niya, “E ‘di bulok na ‘yung bata sa (tiyan) ko mga buang kayo.”
Sey pa ng isang netizen, “Di pinapakita katawan ni Kate (why) po?”
Sagot naman dito ni Kate, “Kailangan ba? Di ako na-inform.”
Pinuri ng netizens ang aktres sa cool na pagsagot niya sa pang-iintriga ng netizens.