
Iwa Moto nagpapaluto kay Thirdy: ‘Kahit pritong itlog lang’
IBINAHAGI ng Japanese–Philippine actress at reality television personality na si Iwa Moto ang nakatutuwang conversation nila ng kanyang stepson at anak ng kanyang kinakasama ngayon na si Pampi Lacson at dati nitong asawa at award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.
Sa kanyang Instagram stories nitong Huwebes, Setyembre 7, nag-post si Iwa ng screenshot ng usapan nila ni Thirdy. Sa screenshot makikita na nag-send ng isang video ang binatilyo ng isang putahe na may label na “Chicken Alfredo” kay Iwa.
Tinanong naman ni Iwa ang kanyang stepson kung nais nitong pag-aralan niyang lutuin ang nasabing putahe o lulutuin ito ni Thirdy para sa kanya.
“Jusko anak. Sinasabi mo ba sakin na pag aralan ko yan kasi gusto mo? Or ipagluluto mo ako?,” saad ni Iwa kay Thirdy.
Sinagot naman ito ni Thirdy at sinabing, “Pag aralan kasi gusto ko yon hehe.”
Kasama sa pag-post ni Iwa ng screenshot ng kanilang conversation ang larawan ni Thirdy na nakasuot ang unipormeng pang-chef habang naghahanda ng pagkain at isang nakakaaliw na caption.
“Yung totoo anak diba nag aral ka magluto? Bago ko aralin yan para sayo ipagluto mo naman ako [‘di] ko pa nga natitikman kahit pritong itlog lang,” hirit ni Iwa sa caption ng IG story para kay Thirdy.