
Ivana sa mga lalaking manloloko: Karma is real
Inamin ni Ivana Alawi sa kanyang latest vlog na minsan na rin siyang naloko ng lalaki. Ito nga raw ang something in common nila ni Andrea Brillantes
Si Andrea ang guest ni Ivana sa kanyang vlog at may mga tanong silang sinagot with matching mukbang.
Kasama rin nila ang younger sister ni Ivana na si Mona Alawi na siyang tagapag-tanong.
Isa sa mga tanong sa dalawa ay kung ano ang something in common nila at ang sagot ni Ivana, “Parehas kaming naloko.”
Umayon naman si Blythe. “Parehas kaming naloko kahit ang ganda-ganda na namin.”
Sagot naman ni Ivana, “Hindi lang naman sa ganda ‘yun, hindi lang makuntento ‘yung mga lalaki.”
Isa pang tanong sa dalawa ay kung ano ang masasabi nila sa mga taong manloloko.
“Wala, kakarmahin din sila,” mabilis na sagot ni Ivana. “’Di ba, parang wala kaming masabi. Quiet na lang kami. Karma is real. And kung ano ang gusto mong gawin sa ibang tao, mangyayari rin sa ‘yo.”
Agree naman si Blythe. Aniya, hindi sila pinapabayaan ni Lord.
“Ilang beses na kasing talagang si Lord ang nagpapakita ng sign sa akin talaga. Nahuhuli ko lagi, eh. So, parang do’n ko napatunayan na kapag magmamahal ako, hindi ko na kailangang maging toxic,” sabi ni Andrea.
Hirit ni Ivana ay hindi lang siya isang beses naloko ng lalaki pero hindi na siya nagdetalye pa.
REUNION FILM
Teaser pa lang ng pelikulang “In His Mother’s Eyes” ang ipinanood sa select entertainment press pero naiyak na ang karamihan sa napakahusay na eksena ng mga bidang sina Maricel Soriano and Roderick Paulate.
Mapapanood sa teaser ang nakakaiyak na confrontation scene nina Maria at Roderick na gumaganap na magkapatid sa movie, gayundin ang ilang eksena ni LA Santos na gumaganap namang special child na anak ng karakter ni Maria.
Actually, rebelasyon si si LA dahil ang galing-galing din niya sa kanyang mga eksena.
Naging emosyonal nga ang ina ni LA na si Mommy Flor Santos, producer ng movie, sa mga papuri ng press.
Naikuwento ni Mommy Flor ang closeness nina Marya at LA during the shooting.
“Feeling ko nga, mas mag-nanay pa ‘yung dalawa, eh. Nakukuwento niya lahat kay Maricel. Grabe ang suporta nila kay LA, lalo si direk (FM Reyes) din. Grabe ‘yung suporta nila, sobra, hindi magagawa ni LA ‘yun kungdi dahil sa kanila,” sey ni Mommy Flor.
Ang “In His Mother’s Eyes” ay reunion film nina Maricel at Roderick pagkatapos ng maraming taon. Kasalukuyang nasa post production ang movie at isusumite ng produksyon ang finished product sa Metro Manila Film Festival 2023. Sana nga ay makapasok ito.
‘Pag nagkataon, bongga ang labanan ng mga pelikula sa MMFF 2023 dahil may Sharon Cuneta-Alden Richards (‘A Mother and Son’s Story’), Marian Rivera-Dingdong Dantes (‘Rewind’) at kung papalarin ngang makapasok itong “In His Mother’s Eyes” nina Maricel-Roderick, gayundin ang reunion film nina Christopher de Leon and Vilma Santos na “When I Met You in Tokyo” at ang “Pieta” nina Nora Aunor at Alfred Vargas.