Ivana Ivana Alawi/Instagram

Ivana pwede nang kumandidatong senador, ‘di kailangan ng regalo

January 3, 2025 Eugene E. Asis 212 views
Ivana1
Ivana Alawi/Instagram

ALAM ng lahat na isa si Ivana Alawi sa top YouTube content creators sa bansa. At base sa mga napapanood sa kanya, gayundin sa report ng ibang Youtubers, diumano’y kumikita ang actress-vlogger ng milyon-milyon sa isang buwan.

Ayon sa isang report, number 4 ang kanyang Youtube channel sa Pilipinas at mayroon siyang 18.5 million subscribers. Pwede na nga raw siyang kumandidatong senador sa rami ng followers. May nagsabi nga na tulad ng isa pang top Youtube creator sa bansa na si Sen. Raffy Tulfo, sa dami ng kanyang subscribers, baka puwede na rin siyang manalo bilang isang senador. O anumang posisyon sa pamahalaan kung maisipan niyang kumandidato.

At bilang kumikita ng malaki, hindi niya ito inililihim at nagbabayad siya ng tax. Sabi pa nga ng mgandang aktres noon:“Pero guys, nagbabayad ako ng tax, di ko lang gusto i-disclose kasi baka sabihin [ng iba] ‘Ay, nagyayabang.’ Hindi, pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong, ayan.”

Nauna na ring ibinunyag ng Kapamilya actress na minsan siyang kumita ng mahigit P10 milyon sa loob lamang ng ilang oras sa pamamagitan ng live selling at nag-viral ‘yun. Sa isang panayam kamakailan sa TikTok Summit, sinabi niyang halos dalawang taon na siya sa live selling. “I’ve been doing livestreams for more than a year. Siguro two years. I’m not sure pero mga ganun,” sabi niya sa isang interview. Sabi pa ni Ivana, mas malaki pa ang puwede niyang kitain (higit pa sa “eight digits”) kung hindi siya nauubusan ng stock.

Ayon pa sa ilang followers na sinabi ng actress na ‘yung revenue niya sa Tiktok ang para sa kanyang pamilya. Ito raw ang dahilan kung bakit siya nagsi-share. Yung kinikita naman niya sa pag-aartista at sa YouTube ay ini-invest niya sa pagbili ng real estate properties.

Kaya nga sabi ng ibang netizens, hindi na kailangang maghintay pa ng regalo si Ivana tulad sa pinalalabas ng ibang nag-iintriga sa kanya.

AUTHOR PROFILE