IT man kulong sa panghahalay
SWAK sa selda ang isang IT personnel na suspek sa panghahalay sa El President Avenue, BF Homes, Parañaque City, Lunes ng gabi.
Nakilala ang suspek na si Joel Doroja, binata, ng 945 Brgy Pantoc Ibaba, Meycauayan, Bulacan.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police Station- Barbosa Police Station 14, bandang 8:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Laureano Larry Daligdig, hepe ng warrant section.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge James Ty ng Regional Trial Court Branch 4 ng Manila.
Walang inirekomendang piyansa kapalit ng pansamantalang paglaya ng suspek.
Pinuri ni MPD Chief Brig. Gen. Andre P. Dizon ang mga pulis ng Barbosa Police Station 14 dahil sa pag aresto sa mga wanted na kriminal.