Andi2

Isyu sa babaeng content creator tinuldukan nina Andi at Philmar

June 2, 2024 Vinia Vivar 188 views

Nagsalita na finally ang fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo hinggil sa kumakalat na intriga sa kanila ng content creator na si Crissa Habibi.

Nakausap ni Boy Abunda ang engaged couple para sa special segment ng My Mother, My Story na ipapalabas sa June 9.

“Nakausap ko rin po ang partner ni Andy na si Philmar Alipayo. For the first time, Philmar addressed itong umiikot, itong current issue ngayon tungkol sa kumakalat na viral video, that is causing a stir on social media,” sey ni Kuya Boy.

“What happened was, uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that’s it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi,” pagbabahagi pa ng TV host.

Tsika pa niya, noong una ay tinawanan lang ng engaged couple ang lumabas na video pero nang malagyan na ito ng malisya ng ibang tao ay nabahala na sila.

“Kaya nu’ng una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” saad ni Kuya Boy.

Bukod sa nasabing kontrobersiya, napag-usapan din nila ang tungkol sa buhay nina Andi at Philmar sa Siargao pati na rin ang planong pagpapakasal.

Matatandaan na nag-viral kamakailan ang video nina Philmar at Crissa na magkausap.

Nalagyan agad ito ng malisya at inakalang naglalandian ang dalawa. Dahil dito ay umani ng pangba-bash ang dalawa mula sa netizens.

Kaagad namang nagbigay ng reaksyon si Andi tungkol dito.

Aniya, “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that. What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

Kasunod nito ay nagbigay din ng paglilinaw si Crissa at itinanggi ang malisyosong balitang kumakalat.

“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang isyu sa social media,” saad ng content creator.

AUTHOR PROFILE