
Isko: Sama-sama nating ipinalangin si Pope Francis
NAKIKIDALAMHATI sa simbahang Katoliko si dating Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagpanaw ni Pope Francis II.
“Sama-sama po nating ipanalangin ang kaluluwa ni Pope Francis.
Nawa’y isabuhay natin ang kanyang panawagan na pairalin lagi sa ating mga puso’t isip ang pagmamahal at pagkakaisa sa mundo.
Paalam at maraming salamat po Lolo Kiko sa pagpapaalab ng aming pananampalataya,” pahayag ni Domagoso.
Naunang hinimok ng dating alkalde ang publiko na suportahan ang buong tiket ng Yorme’s Choice sa darating na halalan upang matiyak na madali niyang maisasakatuparan ang mga inilatag na plataporma.
Mahalagang may makatulong siya sa pagsasa-ayos ng Maynila dahil madali niyang magagawa ito kapag kasama niya sa city hall si Chi Atienza na kanyang bise alkalde, ang anim na kongresista at mga konsehal na kasama sa kanilang tiket.
Kahit aniya may mga hadlang sa gagawin nilang pagbabago na kanilang ikabibigo, agad silang babangon at kahit sila magtagumpay, hindi matatapos ang lahat dahil kailangan pa nilang lawakan pa ang dapat gawin upang wala isa mang Manilenyo ang maiiwan.
Sa pagpapatuloy naman ng kanyang pag-iikot, kasama ang ka-tandem na si Atienza, mainit pa rin ang pagsalubong sa kanila ng mga residente.
Pinayuhan din ni Domagoso ang mga taga-suporta na iwasang makipagbangayan at makipag-away sa mga supporters ng kanyang mga katunggali.