Isko nagpaparamdam na sa mga taga-Maynila

July 21, 2024 Aster Amoyo 216 views

Isko1Isko2THIS early ay unti-unti nang lumilitaw ang posibilidad na bumalik sa pagka-mayor ng Maynila ang actor-politician na si Isko Moreno. Ito’y napansin ng marami na dumalo sa kauna-unahang National Hopia Day ng Eng BeeTin na ginanap sa Music Hall ng SM Mall of Asia na dinaluhan ng big boss ng Eng BeeTin Chinese Deli with over 50 branches nationwide na si Gerry Chua and his family. Naroon din ang TV personality at managing director ng Mutya ng Pilipinas at wellness guru na si Cory Quirino maging ang actress na si Diana Zubiri kasama ang kanyang mister at mga anak.

Si Manila Mayor Honey Lacuna ang dating running mate at vice-mayor ni Isko nang ito’y maging mayor ng Manila. Ang actor-politician na si Yul Servo ang kasalukuyang vice-mayor at ka-tandem ni Mayor Lacuna.

By October this year ay malalaman na kung aling puwesto ang aasintahin nina Isko, Mayor Honey at VM Yul kapag nagsipag-file na sila ng kanilang Certificate of Candidacy sa COMELEC for the 2025 mid-term election.

Samantala, ibinahagi ni Gerry Chua ang humble beginnings ng Eng BeeTin Chinese Deli na siyang nagpasimula ng dinarayong masarap na hopia (with various flavors) sa Binondo, Manila. Inamin nito na malaki ang naitulong umano sa kanya ni Cory Quirino nang i-feature siya and his business sa dati nitong TV program ang “Citiline” on ABS-CBN. Matapos umano ma-feature ang kanyang maliit pang negosyo noon ay nagsimula itong dayuhin ng mga tao hanggang mapilitan silang mag-expand sa mga malls ng SM.

Ang expertise ng paggawa ng hopia ni Gerry at pamamahala ng kanilang mga negosyo ay naipasa na rin niya sa kanyang tatlong anak na sina Gerik, Gerald and Geraldyn na siya na ngayong nagpapatakbo ng kanilang business habang ini-enjoy na lamang niya ang kanyang mga apo.

Ang nakakatuwa lang kay Gerry ay marunong itong tumanaw ng utang na loob kay Cory Quirino na eventually ay naging malapit na kaibigan ng kanyang pamilya.

Si Gerry ay isa ring fire volunteer noon sa Binondo ay may puso ng pagiging matulungin laluna ngayon na isa na siyang successful businessman.

Jennylyn nanguna sa pago-organize ng baby shower para kay Sheena

BeautedermPicPic1ANG bagong brand ambassador ng Beautederm na si Jennylyn Mercado ang nag-organize ng baby shower party her friend and batchmate sa unang season ng talent reality show na “StarStruck” nung 2003 na si Sheena Halili and her husband na si Jeron Manzanero.

Baby boy ang nakatakdang isilang ni Sheena next month kaya lahat sila pati guests ay naka-powder blue. Ang panganay ng mag-asawa na si Martina ay magpu-four years old sa darating na December 13.

Sina Sheena at Jeron was engaged nung August 26, 2018 at ikinasal naman ang couple nung February 23, 2020 at December 13, 2020 naman isinilang ang kanilang panganay.

Masaya siyempre si Sheena at mister nitong si Jeron sa naging gesture ni Jennylyn na siyang nag-organize ng shower party for their second baby.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa rin umanong nakalatag na kontrata ang GMA for renewal kay Jennylyn kaya `freelancer’ ang kanyang status ngayon. Klinaro rin ng misis ni Dennis Trillo na wala umanong offer ang ABS-CBN sa kanya kaya hindi totoo ang balita na nakatakda siyang lumipat ng Kapamilya studio. Malaking karangalan naman kay Jennylyn ang kanyang pagiging kapamilya ng Beautederm as their newest brand ambassador. Last July 18 ay isang bonggang contract signing at grand welcome ang ibinigay sa kanya na ginanap sa Grand Ballroom ng bagong bukas na Solaire Hotel in Quezon City.

Although although wala pang bagong TV and movie assignment si Jennylyn, marami naman itong pinagkakaabalahan ngayon. Tutok sila ng kanyang mister na si Dennis (Trillo) sa kanilang ipinapatayong bahay maging sa kanilang bagong tatag na production company, ang Brightburn Entertainment na nakatakdang mag-produce ng pelikula. Magiging busy rin umano siya sa mga promo activities ng Beautederm.

Barbie at David napi-pressure na sa kanilang loveteam

DavidDavid1HINDI kaya nakakaramdam ng pressure ang magka-loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco na kailangangang pangatawanan at alagaan ang kanilang tambalan sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng ibang ka-relasyon sa labas ng kanilang tambalan?

Masuwerte ang team-up nina Barbie at David dahil suportado pa rin sila ng kanilang mga fans sa kabila na may iba silang karelasyon sa totoong buhay.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE