Isko balik-showbiz, maganda ang naiwan sa pulitika

July 21, 2023 Aster Amoyo 565 views

TULAD ng kanyang anak na si Joaquin Domagoso (21) na contract talent ng Sparkle GMA Artist Cetner, Kapuso artist na rin ngayon ang actor-politician na si Isko Moreno (Francisco `Isko’ Moreno Domagoso) matapos itong lumagda ng kontrata with GMA last Thursday, July 20.

Hindi man pinalad si Isko sa kanyang unang bid sa pagkapangulo ng Pilipinas, nakabalik naman siya sa showbiz na pansamantala niyang iniwan nang mag-focus siya sa kanyang political career, una bilang konsehal ng isang distrito ng Maynila, Vice-Mayor ng Manila and eventually bilang mayor na nasabing siyudad.

He could have completed his nine-year service bilang mayor ng Maynila kung hindi siya kumandidato sa pagka-Presidente ng Pilipinas nung huling halalan.

Gayunpaman, maganda na ang pundasyon na naitatag ni Isko sa kanyang karera sa pulitika kaya nakatulong ito at madali siyang naka-balik sa kanyang showbiz career which took the backseat nang siya’y mag-concetrate sa kanyang politicial career.

Showbiz will always be a part of isko’s life dahil dito siya nagsimula at dito rin siya nakilala kaya masayang-masaya siya na muli siyang tinanggap sa kanyang pagbabalik.

Si Isko ay isa ngayon sa mga host ng newly-revamped noontime show na “Eat Bulaga” produced ng TAPE, Inc. on GMA. Meron din siyang sariling vlog, ang Isko Moreno Domagoso Vlog. He also put up his own media company, ang Scott Media.

Ngayong nasa pangangalaga na rin siya ng GMA, tiyak na mas magiging visible na siya sa iba’t ibang programa ng TV network at kasama na rito ang paggawa ng teleserye.

Jobelle umuwi ng bansa para sa huling lamay ni Ricky

CelebrityLAS Vegas, Nevada-based actress Jobelle Salvador flew in last Thursday, July 20 in time for her cousin Ricky Rivero’s last wake at the Loyola Memorial Chapels – Commonwealth in Quezon City.

She got reunted with her other relatives at kasama na rito ang dalawa niyang uncle na sina Ramon Salvador and Phillip Salvador, mga nakababatang kapatid ng kanyang late father, ang veteran actor-director na si Leroy Salvador, Jr.

Ayon kay Jobelle, mananatili umano siya sa Pilipinas until September unless makatanggap siya ng TV or movie project na kailangan niyang mag-extend ng kanyang stay.

Jobelle was very close to her late cousin na si Ricky, dating miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng GMA, actor at director. He was 51.

Namataan namin sa huling lamay ang magkapatid na sina Ramon at Phillip Salvador at iba nilang mga kaanak. Naroon din ang veteran actor na si Efren Reyes, Jr. at Viva actor na si Jay Manalo, among others.

Ang namayapang si Ricky ay isa sa napakaraming apo ng nasirang si Lou Salvador, Sr. mula sa kanyang 102 children, ang namayapa na ring si Tess Salvador, ina ni Ricky.

Samantala, marami ang nakapansin na wala man lamang bulaklak na ipinadala ang ABS-CBN sa lamay ni Ricky Rivero considering that he spent almost two decades with the Kapamilya network doing various production works at bilang director.

Yen gustong maging proud ang ina sa ginagawa

YenYen1MARAMI na ring pelikula ang dinirek ng mahusay na director na si Roman Perez, Jr. under Viva Films na ang karamihan ay palabas sa sariling streaming platform ng Viva, ang Vivamax tulad ng “Adan,” “Taya,” “House Tour,” “Housemaid,” “Siklo,” “Putahe,” “Iskandalo,” “Pamasahe,” “Balik-Taya,” “Sitio Diablo,” “Kaluskos” at iba pa.

Si Direk Roman ang nagdirek ng launching movie nina Rhen Escano at Cindy Miranda in 2019, ang “Adan”. Ang dalawa ay kasama na ngayon sa lead stars ng Viva gayundin ang dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa sa “Housemaid” at iba pa. Siya rin ang director ng launching movie nina Yen Durano at Victor Relosa, ang “Litsoneras” kung saan tampok din sina Joko Diaz, Elmo Elarme at iba pa.

Si Yen ay anak ng singer-actor na si DJ Durano at nakapagtapos ng Mass Communication sa University of Sto. Tomas.

Ayon kay Yen, bata pa umano siya ay gusto na umano niyang maging isang singer at artista at unang natupad ang kanyang pagiging actress.

Malaki ang hawig ni Yen sa Viva star na si Nadine Lustre at kinu-consider umano niya itong compliment pero mas gusto umano niyang ng makilala siya on her own.

Ayon kay Yen, kinausap umano niya nang masinsinan ang kanyang ina bago niya ginawa ang pelikula. Isinama pa niya ito sa press preview ng movie na ginanap sa Sinepop in Cubao, QC para personal nitong mapanood ang kanyang launching movie.

“I want you to be proud of me,” pahayag ni Yen patungkol sa kanyang ina.

For a newcomer, Yen was able to deliver what Direk Roman wanted from her. Mahusay siyang umarte gayundin ang kanyang leading man na si Victor.

Although naging vehicle ni Yen ang pagpapa-sexy, gusto umano niyang makilala siya balang araw bilang isang mahusay na actress at isang mang-aawit.

“My mom and my dad are both singers kaya sa kanilang dalawa ko namana ang singing talent ko,” aniya.

Dahil sa height ni Yen, marami umano ang nagku-convince sa kanyang sumali sa beauty pageant pero singing and acting umano ang kanyang passion.

ABS-CBN nanghihinayang dahil sa paglipat ni Boy Abunda?

AbundaGAANO kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nanghinayang umano ang pamunuan ng ABS-CBN na ni-let go nila ang dati nilang prized talent, ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda who’s doing very well sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda” talk show on GMA?

Boy actually started his TV hosting career sa bakuran ng GMA when he started “Show & Tell” with Gretchen Barretto na sinundan ng “Startalk” with Kris Aquino bago sila lumipat ni Kris sa ABS-CBN para gawin ang “The Buzz” showbiz- oriented talk show.

Dahil sa bagong arrangement or partnership sa pagitan ng GMA and ABS-CBN, nakakapag-cross over na ng guests mula sa dalawang giant TV networks pero mas lamang pa rin ang mga talents ng Kapuso network na nakakapag-guest sa programa ni Boy.

Xxxxxxxxxxx

LJLJ1LJ2LJ3HINDI man nagkaroon ng happy ending ang naging relasyon ng Kapuso actress now based in New York, USA na si LJ Reyes sa dalawa niyang ex-boyfriends na sina Paulo Avelino at Paolo Contis, ama ng dalawa niyang anak na sina Aki (13) at Summer (4), nakatagpo naman siya ng bagong pag-ibig na siyang nag-alay sa kanya ng tapat na pagmamahal kasama ang kanyang dalawang anak, ang non-showbiz na si Philip Evangelista.

Philip proposed to LJ last May at pinaghahandaan na nila ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib in the next couple of months na maaaring mangyari in New York City, USA kung saan sila pareho naka-base at nagkakilala.

LJ’s two exes have both found their respective new partners. Si Janine Gutierrez kay Paulo Avelino habang si Yen Santos naman kay Paolo Contis.

LJ with her two kids left September 2021 matapos ang controversial break-up nila ni Paolo, ama ng kanyang four-year-old daughter na si Summer. The actor has also two other elder daughters sa kanyang ex-wife na si Lian Paz na sina Xonia at Xalene are both in their teens now.

Lian on the other hand is happily in a relationship with her fiancée, ang dating basketball player na si John Cabahug at meron na rin isang isang anak na babae na si Nina Angela.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE