Default Thumbnail

Isang bansa ng ‘’fifth graders.”

December 16, 2023 Magi Gunigundo 473 views

Magi GunigundoNANG tanungin ang yumaong Dr. Josefina R. Cortes, dating dekano ng University of the East College of Education kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas sa pagpasok ng ika-21 siglo, sumagot siya, “Isang bansa ng ‘fifth graders,” dahil matagal nang nagdurusa ang Pilipinas sa mababang kalidad ng edukasyon.

Ang katibayan nito ay napakarami: ang 1925 Monroe Report ay nagsabi na ang mga batang Pilipinong tinuturuan sa wikang Ingles ay apat hanggang limang taon na huli sa kanilang mga kasabay na batang Amerikano; noong 2013, humigit-kumulang 7 milyong Pilipino ang hindi marunong magbilang at 17 milyon ang may mahinang kasanayan sa pag-unawa; noong 2014, ang pangkalahatang kakayahan sa eskolastiko ng ating mga mag-aaral sa high school ay 44.48 porsyento. Mababa ang marka ng mga estudyanteng Pilipino sa mga pagsusulit noong1999, 2003 at 2008 sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS). Mariing ipinahiwatig ng TIMSS na oras na para repormahin ang marami sa ating mga gawi sa edukasyon, kabilang ang wika ng pagtuturo.

Malaki ang pag-asa ng maraming edukador na iigi ang kalidad ng edukasyon sa pagsasabatas ng RA 10533 o K-12 law noong 2013, na ang pilosopiya ay nakasentro sa paggamit ng unang wika ng bata para sa kanyang pag-aaral at pagpapataas ng abilidad ng guro. Makalipas ang 10 taon, hindi nagbago ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ay pinapatunayan ng mga resulta ng SEA-PLM , TIMMS , PISA 2018 at ngkalalabas pa lamang na PISA 2022.

Sinisisi natin ang DEP ED “hierarchal mindset” sa kanilang katamlayan sa pagpapatupad ng MTBMLE language in education policy shift at iba pang reporma sa edukasyon na hatid ng mga batas.

Sinabi sa PISA 2022 na, “ang paggasta sa edukasyon ay mayroon kaugnayan sa pagkatuto ng mag-aaral.” Ang pandaigdigan na katamtaman gastospara sa bawat mag-aaral, sa lahat ng mga taon sa elementarya at sekondarya sa pagitan ng edad na 6 at 15, ay nasa USD 75 000 noong 2019 subalit sa Pilipinas, ito ay nasa USD 11,000 lamang.”

Kitang kita ang “underspending” ng Dep Ed sa kabiguan nitong kumuha ng sapat na bilang ng mga guro. Noong 2022, 43% ng mga mag-aaral sa Pilipinas ay nasa mga paaralan na ang punong-guro ay nag-ulat na ang kapasidad ng paaralan na magbigay ng pagtuturo ay nahahadlangan ng kakulangan ng mgakawani ng pagtuturo (at 19%, ng hindi sapat o hindi sapat na kwalipikadong kawani ng pagtuturo). Noong 2018, ang kaukulang proporsyon ay 19% at 8%. Mas lumala pa ang sitwasyon. (PISA 2022 Country Report).

Walang interbensyon ang Dep Ed para sa mga mag-aaral na apektado ng kahirapan. Sa Pilipinas, 36% ng mga mag-aaral (ang pinakamalaking bahagi) ay nasa pinakamababang internasyonal na quintile ng socio-economic scale, ibig sabihin, sila ay kabilang sa mga pinakamahihirap na mag-aaral na kumuha ng pagsusulit sa PISA noong 2022. Ang kanilang average na marka sa matematika ay 344 puntos. Sa Türkiye at VietNam, ang mga mag-aaral na may katulad na socio-economic background ay higit na mas mataas ang marka.

“Ang mahinang klase ng edukasyon ay problemang ating bansa sa pangkabuuan,” sabi ng Philippine Business for Education (PBEd). Para sa PBEd, ang mga kahinaan sa pangunahing sistema ng edukasyon ay magdudulot ng kahinaan ng uri at abilidad ng mga manggagawa na sumailalim sa palpak na sistema ng edukasyon — “nakakaapekto

AUTHOR PROFILE