
Isabelle Daza inabot na ang 1M tulong sa battered DH
Ibinigay na ng aktres na si Isabelle Daza ang isang milyong perang nalikom niya mula sa kanyang donation drive para sa inabusong domestic helper na si Elvie Vergara.
Si Elvie, ang isang domestic helper mula sa Occidental Mindoro na nabulag dahil sa pagmamaltrato ng kanyang amo.
Sa video na in-upload ng aktres sa kanyang Instagram, Lunes, Nobyembre 20, makikitang naluluha ito habang inaabot ang 1M cheque kay Elvie.
“Finally was able to give the money to Elvie Vergara herself. A total of ₱1,000,000 in a Manager’s check…To those who donated you have helped change a life 🥹 and thank you for trusting me that
I wouldn’t scam you lol,” caption nito sa kanyang IG post.
Nagpapasalamat naman ang aktres sa kanyang mga followers at sa lahat ng mga taong nag-donate para sa panggamot ng inabusong helper.
“Meron po akong maliit na regalo po sa inyo, kasi nalaman ko ang kwento mo noong nanood ako sa news. At sa tulong ng mga followers ko po at lahat ng mga nanood ng story mo, meron silang na-donate po para sa’yo. Itong donation po namin is regalo namin sa inyo, dahil sa lahat ng pinagdaanan n’yo po,” saad niya sa video.
“Para po sa medical needs n’yo, sa future, gusto ko lang sana ibigay sa’yo personally kasi ‘yung mga followers at ‘yung mga taong nag-donate pinagkatiwalaan nila ako,” dagdag pa niya.