Insidente

Insidente sa Ayungin Shoal ‘sadya’; PH sundalo inspirado dahil kay PBBM

June 24, 2024 Chona Yu 78 views

SINADYA umano ng China na pigilan ang rotation and resupply mission (RoRe)ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Hulyo 17.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na gumamit ang Chinese Coast Guard (CCG) ng puwersa para harangin ang barko ng Pilipinas.

Hindi aniya itinuturing ng Pilipinas na misunderstanding o aksidente ang nangyari.

“We see the latest incident in Ayungin not as a misunderstanding or an accident. It is a deliberate act of the Chinese officialdom to prevent us from completing our mission,” pahayag ni Teodoro.

“After our visit to our troops in Palawan yesterday where the President personally talked to the troops involved in the RoRe, we have now come to the conclusion that it was not a misunderstanding or an accident. We are not downplaying the incident. It was an aggressive and illegal use of force,” pahayag ni Teodoro.

Sa kabila nito, sinabi ni Teodoro na patuloy na maghahanap ng mapayapang paraan ang gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang isyu.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas dahil sa insidente.

“We are not in the business to instigate wars. The Philippines is a responsible state. We will continue to exercise our freedoms and rights in support of our national interests in accordance with international law,” pahayag ni Pangulong Marcos sa harap ng mga sundalo na nagsagawa ng RoRe mission sa Ayungin Shoal.

Samantala, mataas pa rin ang morale ng mga sundalo na nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Pahayag ito ni Teodoro matapos bisitahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palawan ang nasugatang sundalo at iba pang tauhan ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Teodoro na sa kabila ng mga hamon, nanatiling inspired ang mga sundalo.

“I can unequivocally state that, masasabi ko, na mataas ang morale ng ating mga sundalo,” pahayag ni Teodoro.

“Sa harap nitong mga hamon na ito, lalo silang nainspire at paiigtingin nila ang pagpapatupad ng kanilang mga duties. At ang bisita ng Pangulo kahapon ay nagsemento ng kanilang morale.

Nalaman ni Presidente ang totoong nangyari, nainterview niya isa-isa, nalaman din niya ang kundisyon nila ngayon. Some have injuries na kahalo-bilo niya, hindi lamang ‘yung na-injure kundi kanilang mga pamilya,” pahayag ni Teodoro.

Nagpasalamat din si Teodoro sa taong bayan sa patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ni Pangulong Marcos.

Pinasalamatan din ni Teodoro ang grupong Finex, Management Association of the Philippines, Association of Generals and Flag Officers at iba pa na sumusporta sa administrasyon at sa mga sundalo.

AUTHOR PROFILE