
Iniidolong sina Janno, Anjo at Benjie, ididirek ni Xian
KASADO na ang ikalawang film directorial job ni Xian Lim na pagbibidahan nina Janno Gibbs, Anjo Yllana, Benjie Paras, Gene Padilla, Sunshine Guimary, atbp. para sa Vivamax.
May titulong Hello Universe, isa itong fantasy-comedy na may kahalong drama tungkol sa missed opportunities at regrets sa buhay ng bidang si Ariel (Janno), isang dating basketball player.
Sa katatapos na virtual storycon, sinabi ni Xian na na-conceptualize ito a couple of years ago pagkatapos niyang sumailalim sa scriptwriting workshop ng batikang si Ricky Lee.
At dahil matamlay ang kapaligiran dahil sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic, minabuti ng aktor na maghain ng isang fresh, light at fun movie.
Base raw ito sa sarili niyang karanasan tungkol sa pangarap niyang maging basketball player.
“It’s about me trying to make it sa industriya ng basketball. That was the dream for me but life took me to a different direction,” aniya.
Wish ni Xian na makapagbigay ang Hello Universe ng pag-asa at inspirasyon sa manonood.
Kwento ni Janno, agad siyang pumayag nang ialok sa kanya ang pelikula.
“I specially said yes to this for Xian because, one, I consider him a good friend and I believe in his talent. He’s a very talented person, very artistic, nagdidirek, nag-aartista, nagpi-piano, nagpe-painting. So I think we’re in good hands. I’m really excited kung ano ang ipapakita ni Xian,” sey ng TV host-comedian.
Reaksyon ni Xian, nakakadurog ng puso ang mga sinabi ng kanyang artista.
Bilang bagitong direktor, ikinatutuwa niya ang ipinakikitang passion at excitement ng kanyang cast sa Hello Universe.
“Nakakatuwa lang kasi they’re really… alam mong ibibigay nila ang lahat dito sa material, dito sa project. Makikita mo ’yung passion and enthusiasm sa mga mata nila. Kina Kuya Anjo, Janno, Gene, nakakatuwa lang and it’s such an honor na makatrabaho sila. Bata pa lang ako iniidolo ko na ang mga ito. It’s such an honor to be graced by their presence, for them to bring years of experience sa industriya doon sa material po na meron kami,” banggit pa ni Xian, na ang directorial debut na Tabon ay naging finalist sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival at ang idinirek na WeTVOriginal mini-series, Pasabuy, ay pinagbidahan naman nina Gino Roque at Heaven Peralejo.