
Inigo concerned pa rin kay Maris kahit nasa Amerika
ANG singer-songwriter na si Inigo Pascual and first showbiz boyfriend ni Maris Racal and in one of her TV interviews ay inamin niya that it was the only child of Piolo Pascual who broke her heart. Pero ang OPM icon na si Rico Blanco ang longest relationship ng singer, songwriter, actress at ex-PBB alumna na siya rin mismo ang humingi ng break-up para mag-focus sa kanyang career.
Nauunawaan ng dating nobyo ni Maris na si Inigo Pascual ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang dating girlfriend because he went through the same phase nang magkahiwalay sila for the same reason.
Although hindi pa sila nagkikitang muli ni Maris ay nasusubaybayan umano niya ang magandang pangyayari sa career nito na ikinatutuwa niya. Although sa Los Angeles, California na muli naka-base si Inigo to pursue his Hollywood dreams, bukas pa rin umano siya to make projects in the Philippines.
Samantala, secured na ang magandang future ni Inigo dahil ito’y matagal nang pinaghandaan ng kanyang amang si Piolo Pascual na napakasipag sa trabaho at pagpasok sa iba’t ibang investments pero hindi rito dependent ang singer-actor dahil kumikita siya on his own.
David Benoit babalik ng Pilipinas
TEN years after he performed in the Philippines in 2014, renowned American Jazz pianist, composer, musical director, conductor, record producer and three-time Grammy nominated David Benoit is back in Manila for a special performance at the Theater at Solaire this Saturday, July 20 at 8 p.m. with The Company as his special guest performers.
David admitted that it is always a pleasure coming back to Manila and performing for the Filipino audience. He also had the privilege to perform for two former Philippine presidents – Pres. Gloria Macapagal-Arroyo and the late President Benigno `Noynoy’ Aquino and other Filipino dignitaries including Sen. Imee Marcos, among others.
Born and raised in Bakersfield, California USA, David will be celebrating his 71st birthday come August 18.
With forty albums to his credit at limang dekada na sa music and entertainment industry, kasama sa highlights ng kanyang career ang performance niya at the White House for three (former) US Presidents na sina Bill Clinton, Ronald Reagan at George Bush, Sr. and other American dignitaries tulad nina former Sec. of State na sina Colin Powell, Hilary Clinton at dating US Vice President Al Gore at dating mayors ng Los Angeles, California na sina Tom Bradley, James Hann at Dick Durbin. Kinu-consider din niyang isa sa kanyang career highlights ang kanyang first performance in the Philippines at the Plenary Hall nung 1981.
Si David ay nagsimula sa kanyang career bilang musical director for Lainie Kazan nung 1976 na sinundan nina Ann-Margret at Connie Stevens. Ang kanyang 1987 album na “Freedom at Midnight” ay pumasok sa #5 ng Billboard’s Top Contemporary Jazz Album Chart na kinu-consider niyang favorite album that he produced.
Ang kanyang 1989 album na “Waiting in Spring” ay nag-number 1 sa Billboard’s Top Jazz Albums Chart habang ang kanyang 1991 album na “Shadows” ay nag-number 2 sa Top Contemporary Jazz Albums Chart.
He considers Bill Evans as one of his main influences and he dedicated his 1992 album entitled “Letter to Evan” to him.
David started playing the piano at age 13 and trained under Mary Cressy Wright and Abraham Frazer na siyang pianist ni Arturo Toscanini. In college, he focused on theory and compositions at nag-aral ng orchestration with Donald Nelligan and later took films scoring classes by Donald Ray at UCLA. He was also trained as music conductor by Helichiro Ohyama ng L.A. Philharmonic Orchestra at Jan Robertson, head ng conducting department ng UCLA. He also worked with Jeffrey Schindler, music director for the UC Santa Barbara Symphony Orchestra.
David is married to a Japanese musician, Kei Sasaki and they have an adopted child named June Koko.
The song “Kei’s Song” which was dedicated to his wife is David’s favorite composition.
James gustong balikan ang pag-arte
HINDI ikinakaila ng dating “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010” big winner-turned singer, actor, songwriter, producer and talent manager na si James Reid na gusto umano niyang balikan ang acting pero wala umano siyang balak na balikan ang magkaroon ng loveteam matapos mabuwag ang tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre nang sila’y magkahiwalay nung January 2020.
May kani-kanyang buhay at lovelife na ngayon sina James at Nadine pero nanatiling magkaibigan ang dalawa after their break-up. James is in a relationship with Yassi Pressman’s younger sister na si Issa Pressman since last year pero hindi niya ito kasama nang siya’y dumalo sa 7th The Eddys Awards nung nakaraang July 7 na ginanap sa ceremonial hall ng Marriott Hotel.
Matapos umalis sa pangangalaga ng Viva, nag-focus si James sa kanyang career bilang singer and producer under his own music label na Careless Music. Pinasok din niya ang talent management at isa ang Fil-Am singer-actress na si Liza Soberano sa kanyang mga alaga who is trying her luck in Hollywood.
Si James ay huling napanood sa pelikulang “Never Not Love You” na pinagtambalan pa nila ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre nun 2018 at pinamahalaan ni Antoinette Jadaone. Taong 2017 naman ang kanyang TV series na “Till I Met You” na pinagsamahan din nila ni Nadine na naging kasintahan niya sa loob ng limang taon.
Bukas umano si James na muling makatrabaho si Nadine maging ang kanyang talent na si Liza or Hope Soberano.
Joshua at Julia naging madali ang reunion movie
NAGING madali ang balik-tambalan ng dating magkasintahang Joshua Garcia at Julia Barretto sa pelikulang “Un/happy for You” dahil magkaibigan pa rin ang dalawa after their break-up in 2019.
Sina Joshua at Julia ay may kani-kanya nang bagong lovelife ngayon – si Joshua sa Filipina-French golfer and entrepreneur na si Emilienne Vigier habang si Julia naman sa actor na si Gerald Anderson.
Madali nilang naitawid ang filming ng kanilang reunion movie na malapit nang ipalabas sa mga sinehan nationwide.
Priscilla pinabulaanan na meron silang mutual breakup ni John
KAHIT kasalukuyang nasa Brazil ang misis ng actor na si John Estrada, ang Brazilian former beauty queen na si Priscilla Meirelles kasama ang 12-year-old daughter nilang si Samantha Anechka, pinabulaanan nito ang post ng kanyang mister na meron silang agreement for a `mutual break-up’.
Nung isang taon pa nagsimula ang marital problems ng mag-asawa na maaaring mauwi sa totoong hiwalayan kung hindi ito nila maisa-salba on their own.
Kung gusto pa nina John at Priscilla na ma-save ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, dapat lang siguro na sila’y mag-usap nang masinsinan kesa idaan nila sa social media at hayaan pa nilang lumala pa lalo ang sitwasyon at sayangin ang kanilang 13 taon as a married couple.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon on “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.