Cavite QUALIFIED–Bilang paghahanda sa pagiging first class municipality ng Noveleta, Cavite, nakatakdang buksan ang 4-storey New Noveleta Government Center sa Brgy. Poblacion sa Enero 2025.

Income classification ng 7 bayan ng Cavite tumaas

July 13, 2024 Dennis Abrina 655 views

NOVELETA, Cavite–Pitong munisipalidad sa Cavite, sa pangunguna ng Noveleta, ang nakatakdang tumaas ang income classification sa ilalim ng Republic Act No. 11964 o ang Automatic Income Classification of Local Government Units Act.

Batay sa datos at mga local chief executives ng Noveleta, Maragondon, Amadeo, Mendez Nun̈ez, Magallanes, Ternate at Bailen, malaki na ang itinaas ng kani-kanilang revenue income sa huling 3 taon.

Nanguna ang Noveleta na qualified para maging first class municipality mula sa 3rd Class category dahil sa revenue income na P240,577,720.35 noong 2022;
P244,238,826.00 noong 2023 at P263,879,542.92 ngayong 2024.

Qualified din ang Amadeo, Mendez, Magallanes at Ternate para sa 3rd class locality mula sa 4th class classification.

Ikinatuwa ni Mendez Mayor Francisco ‘Cocoy’ Mendoza Jr. ang development ng kanilang bayan na aangat mula 4th class na istado dahil 25 taon ng 3rd class municipality.

AUTHOR PROFILE