Imelda

Imelda may celebration

February 28, 2022 Aster Amoyo 1016 views

Imelda1DUBBED “Asia’s Sentimental Songstress” and “Jukebox Queen,” singer-actress-politician, entrepreneur and Actor’s Guild president Imelda Papin is currently the vice-governor and gubernatorial candidate of Camarines Sur.

Although nung January 26 pa ang kanyang kaarawan, she had a belated birthday party last Sunday, February 27 na ginanap sa clubhouse ng North Fairview Subdivision attended by her family and close friends and political allies na kanya ring itinaon sa thanksgiving para sa pamilya ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor na si Marcos Mamay at misis nitong si Hadja Alianur Mamay na ang tatlong anak na babae na sina Sittie Nor-Ainnah, Sittie Nor-Alliah at Amal Dimaporo Sidic ay magkakasunod na ikinasal sa kanilang respective husbands na sina Atty. Joharey Sultan, Datu Hamza Omar at Mohammad Khalid a couple of months apart sa loob lamang ng isang taon na allowed sa mga kapatid nating Muslim. Ang tatlong couple ay pare-parehong inaanak sa kasal ni Camarines Sur Vice-Governor Imelda Papin sa magkakahiwalay na okasyon dahil very close umano siya sa mag-asawang Mayor Marcos Mamay at misis nitong si Hadja Mamay.

Sa halip na si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin ang dumayo sa lugar ng mga Mamay in Lanao del Norte, sila na ang dumayo ng Maynila na pinangunahan mismo ng Mamay patriarch na si Mayor Marcos Mamay.

Ang bunsong anak nina Mayor Mamay at Hadji ay 16 years old lamang pero ito’y pinapayagan nang mag-asawa at ikasal dahil ayon sa tradisyon ng mga Muslim, allowed nang mag-asawa o ikasal ang isang babae o lalake kapag umabot na ang mga ito sa adolescence age.

Ang mga balae ni Mayor Mamay ay nasa pulitika rin kaya hindi malayong pasukin din ang pulitika ng kanyang mga manugang na lalake balang araw.

The belated birthday party ni VG Imelda at thanksgiving para sa pamilya Mamay ay jointly hosted by John Nite, Gary Cruz and Imelda’s youngest sister na si Aileen Papin na kandidato rin sa pagka-Board Member ng ikatlong distrito ng Cam Sur. Bukod sa paghu-host, they also provided the entertainment numbers dahil pare-pareho silang mahuhusay kumanta.

Naroon din ang younger brother ni VG Imelda na si Bobby Papin na konsehal ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Since she’s serving as Cam Sur vice-governor at ngayon ay kandidato sa pagka-gobernador ng lugar, she’s basically based in the province at paminsan-minsan na lamang siya nasa Maynila for important meetings.

BrandonHeartHeart & BrandonHeart nakipag-collab sa frontman ng Incubus

ISA sa mga bagay na gustong pagtuunan ng attention ni Heart Evangelista ay ang kanyang pagiging isang visual artist kaya pansamantala muna nitong iiwan ang larangan ng pag-arte para maharap niya ang pagpipinta.

Just like other artists in other medium, ang misis ng senatoriable na si Chiz Escudero ay nakipag-collaborate sa American singer, songwriter, musician, author, visual artist at lead vocalist and co-founder ng American rock band na Incubus na si Brandon Boyd sa pagpipinta.

Sa recent vlog ni Heart ay kanyang ibinahagi ang kanilang collab work ng sikat na frontman ng Incubus na nangyari nang bumiyahe patungong Los Angeles, California ang singer, actress, painter at fashion icon nung nakaraang August 2021.

Ang nakakatuwa kina Heart at Brandon, one day apat lamang ang kanilang respective birthdates. Si Heart ay February 14 at February 15 naman ang American artist.

Samantala, tiyak na magiging abala rin si Heart sa pagtulong sa kandidatura ng kanyang mister na si Chiz na gustong bumalik sa Senado.

Anak nina Elisse at McCoy bininyagan na

YOUNG couple Elisse Joson (26) and McCoy de Leon had their first child, Felize McKinze baptized last Sunday, February 27 attended by their respective families and close friends. Ang reception ay ginanap sa Museo de Padilla in Quezon City.

Si Felize ay isinilang ni Elisse sa Amerika nung nakaraang April 10, 2010 kaya malapit na rin ang irst birthday nito.

During the entire pregnancy ni Elisse ay hindi ito nalaman ng publiko and it was only last October 2021 nang mag-guest ang young couple sa Pinoy Big Brother house nalaman ng lahat na meron na pala silang anak at kinuha pa nilang isa sa mga ninong ang invisible na si Big Brother.

Just like any other couples, dumaan din sa pagsubok ang relasyon ng dalawa noon na nauwi sa kanilang paghihiwalay na umabot ng halos isang taon pero muli silang nagkabalikan in 2019.

Aminado sina Elisse at McCoy na marami umano ang nabago sa kanilang dalawa nang dumating sa kanilang buhay si Baby Felize.

Si Elisse ay nasa pangangalaga pa rin hanggang ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN habang si McCoy ay nasa bakuran na ng Viva Artists Agency.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE