Default Thumbnail

Imee: Tama na, buking na! – sibuyas naman ngayon?

August 20, 2022 Marlon Purification 386 views

Marlon PurificationMAGANDA ang ibinalita ng Palasyo ng Malakanyang.

Sa mga darating na araw ay magiging P70 per kilo na presyo ng asukal. Mula ito sa kasalukuyang presyo na P90 hanggang P110 kada kilo sa mercado.

Resulta ito sa ginawang pakikipag-usap ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa mga may-ari ng SM, Robinson at Puregold, base na rin sa kautusan ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kahit ang Victorias Milling Company ay nangako rin upang tulungan ang mga ‘traders food manufacturing industries’ upang tumulong sa pagbaba ng presyo ng asukal na isinu-supply naman sa Coca-Cola, Pepsi at RC Cola.

Ang SM ang may-ari ng Savemore Market na itinuturing na ‘fastest growing format’ ng SM Markets. Nagsisilbi rin itong ‘umbrella brand’ ng SM Supermarket, SM Hypermarket at Savemore at Alfamarts na sa kabuuan ay halos may 5,000 ‘retail stores’ sa bansa,

Ang Robinsons Supermarket, isang division ng Robinsons Retail Holdings Ins, ang ikalawang pinakamalaking supermarket chain sa Pilipinas ay may 274 tindahan nationwide, samantalang ang Puregold Price Club, Inc., ay may 280 retail stores.

“This is a classic display of the indomitable Filipino spirit of ‘bayanihan’ ang love of country,” ani Rodriguez sa isang pahayag.

Kamakailan, nakipagpulong ang Pangulong Marcos sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufactures, Inc. (PCFMI) upang pag-usapan ang problema sa kakulangan ng supply ng asukal sa bansa.

“Hopefully, we can get some concessions with the traders so that at least the pricing will be reasonable. The concern is the supply right now. I’ll make sure that there is sufficient supply in the country so that you can operate at full capacity,” sabi naman ng Pangulong Marcos.

Ang P70 per kilo kada asukal ay available sa Metro Manila at inihayag ng pamahalaan na ang mamimili ay ililimit lamang sa pagbili ng tig-isang kilo bawat consumer, upang maiwasan ang posibleng ‘hoarding’ na mangyari ng ilang maliliit na mangangalakal.

GALIT SI MANANG IMEE PAGBASA ko pa lang sa press release na ipinalabas ni Senadora Imee Marcos, umuusok na sa galit na binoljak ng kapatid ng Pangulong Marcos Jr. ang Department of Agriculture matapos madiskubre na ang importasyon naman ngayon ng puting sibuyas ang pinagpaplanuhang isikwat ng mga ‘agricultural smugglers’ dahil sa umano’y kakapusan ng supply sa bansa.

Ito’y kahit pa sapilitan nang nagbitiw ang ilang mataas na opisyal ng DA matapos mabuko na ito ang nanguna sa pagmamaniobra upang ilusot ang planong importasyon ng asukal, ngunit ibinasura ng Pangulong Marcos.

” Maging babala na ito sa lahat,” diin ni Marcos. “Buking na namin ang nangyayaring modus operandi. Lumang tugtugin nayan. Paulit-ulit na lang, eh,” ayon kay Marcos.

“Una, nagpupuslit sila. Sumunod nag-iimbento na sila ng kakapusan, kaakibat pa kuno ang lehitimong permiso ng importasyon,” paliwanag ng senador.

“Sa susunod na linggo, di na ako magtataka kung babaha ng mga puslit na mga sibuyas samga palengke na saklaw ng lehitimong order ng nakalululang kantidad.”

Tulad ng hinala ng nakararami na may ‘artificial shortage’ sa supply ng asukal, hindi rin naniniwala si Senadora Imee na may kakapusan ng puting sibuyas dahil wala namang naiprisintang mga imbentaryo nito vis-a-vis pagtatanim at sa panahon ng anihan.

“Pinatataya o pina-aasses sa DA kung may kakapusan ng puting sibuyas gayundin sa asukal at porcine PAP (processed animal protein). Pero bokya na naman sa datos ang ahensya, puro langsabi-sabi na “wala talagang laman ang mga bodegangininspeksyon namin,” paliwanag pa ni Marcos.

“Tama na buking na! Hindi na kami magpapaloko!,” sinabi pa ng senadora.