Default Thumbnail

Illigal na online sabong sa 3 lalawigan, namamayagpag

September 8, 2023 People's Tonight 195 views

HINDI nagpapatinag ang illigal na pasugalan sa tatlong lalawigan sa bansa na kung saan patuloy sa pamamayagpag.

Ayon sa nakalap na impormasyon, dalawang otoridad ang umano’y nagpapatakbo ng illigal na online sabong sa iba’t-ibang bayan partikular sa Bulacan, Batangas at Laguna.

Napag-alaman na hindi natatakot umano ang mga suspek sa kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘BongBong’ Marcos Jr., hinggil sa pagpapatigil ng operasyon ng online sabong sa buong bansa na kung saan hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagkawala ng mahigit sa tatlongpu katao noong 2021-22 ang dinukot ng ilang mga sindikato sa illigal na sugal na ito.

Kaugnay nito paimbestigahan na sa pamunuan nang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine National Police, sa National Bureau of Investigation (NBI) at Cyber Crime Division ng CIDG hinggil sa patuloy na ginagawang illigal na aktibidades sa mga nasabing lugar.

Posibleng paimbistigahan ito sa mababang kapulungan ng kongreso na kung saan patuloy pa din ang laganap na illigal na aktibidades na kung saan mismong si Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang nagpapatigil nito sa buong bansa.

Nabatid pa na tumatabo ng mahigit sa P15 million hanggang P25 million ang kinikita nito araw-araw na kung saan walang nakukuha ang gobyerno mula dito.

AUTHOR PROFILE