Close

Ilang kalye sarado para sa 453rd Araw ng Maynila

June 23, 2024 Edd Reyes 99 views

ISASARA ang ilang kalsada sa Maynila para sa civic at military parade sa pagdiriwang ng 453rd year ng Araw ng Maynila sa Sta. Ana at San Andres Bukid.

Sa traffic advisory na isinapubliko ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng alkalde at hepe ng Manila Public Information Office (MPIO), simula alas-12:01 ng Lunes ng madaling araw, isasara na sa mga sasakyan ang mga sumusunod na kalye:

Onyx St. mula Pedro Gil hanggang Zobel Roxas St., Zobel Roxas St. mula Pablo Ocampo St. hanggang Pasig Line St. at ang kahabaan ng Florentino St.

Ito na ang ikalawang taon ng parada na sinimulan ni Mayor Lacuna at nilahukan ng Manila Police District (MPD), Bureau of Fire Protection-Manila Fire District (BFP-MFD), Bureau of Jail Management and Penology-Manila City Jail (BJMP-MCJ), Joint Task Force National Capital Region-Armes Forces of the Philippines (NCR-AFP) Contingent, Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Manila Field Office (MFO) at mga kinatawan ng una hanggang ika-anim na distrito ng lungsod.

AUTHOR PROFILE