
Ilang kalsada sa Maynila isinara dahil sa baha
PANSAMANTALANG isinara ang ilang kalye sa lungsod ng Naynila dahil sa mataas na baha sanhi ng walang tigil na ulan na dulot ng bagyong Carina.
Umabot sa dibdib ang tubig sa kahabaan ng P. Ocampo at Taft Avenue.
Binaha rin ang tapat ng Rizal Memorial Stadium hanggang sa Quirino Avenue.
Hindi rin pinadaan ang light vehicles sa Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall. Ang kahabaan ng Adriatico patungong Quirino at tapat ng Manila Zoo ay sinara rin sa mga motorista.
Abot binti naman ang tubig sa Recto Avenue at Rizal Avenue maging ang kahabaan ng Burgos at Lawton sa Ermita, Manila.
Sa kabila nito, puspusan ang ginagawag paglilinis at pag-aalis ng bara ng Manila Department of Public Service upang maibsan ang pagbaha sa Maynila.