Taguig

Ikatlong taon ng Meeting of Styles, itinaguyod muli ng Taguig City

April 26, 2025 Edd Reyes 99 views

Taguig1MULING itinaguyod sa ikatlong sunod na taon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang “Meeting of Styles” (MOS), ang pinakamalaking pagdaraos ng graffiti mural arts festival na layuning mapaunlad ang ugnayan ng mga alagad ng sining sa buong mundo.

Malugod na binati nina Mayor Lani Cayetano at kabiyak na si Senator Alan Peter Cayetano ang mga magagaling at bantog na lokal, pati na ng mga dayuhang indibiduwal sa larangan ng sining na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagtungo sa TLC Park para lamang lumahok sa naturang festival.

“Every time this event returns to Taguig, it feels like a homecoming. This marks the third consecutive year that Taguig host the Philippine leg of this international graffiti mural arts festival and every year it becomes more vibrant, more inclusive, more powerful and bigger,” pahayag ni Mayor Lani sa kanyang pagsasalita.

Sabi pa ng alkalde, ang MOS ay hindi lamang pagpipinta sa mga containers kundi ito ay buhay na isinasalarawan sa pamamagitan ng sining. Kung ang mga kalahok aniya ay lumikha ng kanilang pagpipinta sa Taguig, hindi lang sila nagpakita ng kagalingan sa sining kundi naging bahagi rin sila ng misyon ng lungsod.

“The public spaces can be places for expression, reflection, and imagination that our youth, our artist, and our communities, deserved spaces that inspire, engaged and unite,”

Ito aniya ang dahilan kaya’t binuksan nila ang TLC Park at nilikha ang mural park upang hindi lamang sa mga galleries at sa mga bahay nakasabit ang magagandang pinta kundi natutunghayan din ito ng publiko at magiging bahagi ng kasaysayan ng Taguig.

AUTHOR PROFILE