Shiela Larawan mula sa IG/Sheila Snow

I have floaters

June 2, 2024 People's Tonight 59 views

DAHIL nga sa tambok ng kanyang “behind” at boobey, ang Vivamax actress na si Sheila Snow ginawang pampalutang ang mga ito sa swimming pool.

Sa kwelang video na ibinahagi ng sexy star sa kanyang Instagram, mapapanood siya na enjoy sa pagtatampisaw.

Humirit naman ng biro si Sheila na “I have floaters” sabay pinalitaw ang bilugang pisngi ng kanyang pwet. Tumayo rin ang hot actress at ipinakita ang floaters niya sa harap — ang kanyang dyoga.

Naaliw ang mga kelot niyang tagahanga hindi lang dahil sa nakakatawang video ng aktres, kundi dahil tukso sa kanila ang inihain niyang patakam.

May kasamang lapot ang sex appeal ng sexy star. Talagang didikit sa kanya ang mga titig ng mga kalahi ni Adan.

Panalo naman kasi ang kakinisan ni Sheila kaya keri lang kung iluwa niya ang mga ito sa harap ng camera.

Bumulwak ang heart at fire emojis sa comment section ni Sheila. Damang-dama nila ang dalang init ng kanyang alindog.

Hirit pa nga ng isang netizen sa kanya, “Turuan kita lumangoy idol.”

Nakilala ang nasabing sexy star sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Pabuya, Lawa, Hilom, at Ligaw na Bulaklak.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar