Holiday

Hunyo 17 deklaradong regular holiday para sa Eid’l Adha

June 5, 2024 Chona Yu 255 views

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Hunyo 17 na regular holiday para sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Base sa Proclamation No. 579 na nilagdaan ni Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakadakadakilang kapiatahan ng Islam.

Nakasaad pa sa proklamasyon na ang deklarasyon ng regular holiday sa Hunyo 17 ay base sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos base sa 1445 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9848 , na ang 10th day ng Zhul Hijja, 12th month ng Islamic Calendar ay isang national holiday para sa paggunita ng Eid’l Adha na maaring ilipat ng petsa.

AUTHOR PROFILE