Posas

Hunted sa pagpaslang naaresto sa Taguig

May 17, 2024 Edd Reyes 116 views

NASAKOTE ng mga pulis ang wanted sa pagpatay noong Biyernes sa Taguig City.

Pinakilos ni Taguig police chief P/Col. Christopher Olazo ang kanyang mga tauhan para mahuli si alyas Shervin, 23, na sangkot sa karumaldumal na paraan ng pagpatay.

Dakong alas-7:10 ng umaga nang masukol si Shervin sa Central Bicutan dahil sa murder batay sa warrant of arrest ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Antonio Murillo Olivete ng Branch 267.

Nakakulong na sa detention facility ng Taguig Police Station ang akusado habang hinihintay ang commitment order na ilalabas ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa jurisdiction ng Bureau of Jail Management and Penology sa Bicutan, Taguig.

AUTHOR PROFILE